Minsan naman naririnig kong bumubukas mag-isa ang shower na para bang may naliligo. Noong sinilip ko, wala namang tao at patay naman ang shower at gripo. Minsan din ay naririnig ko na kusang nagpa-flush ang toilet na mag-isa.
Isang beses naman, binuksan ko ang TV upang manood ng paboritong kong drama sa hapon at noong iniwan ko ito upang kunin ang cellphone ko sa aking kwarto, nagulat ako dahil kusa itong namatay at naka-unplug na din sa outlet. Dali-dali ko itong nilapitan at hinwakan. Mainit pa ito at walang duda na kagagamit lang.
Marami pang nagyaring kakaiba sa loob ng aking apartment na halos magpabaliw saakin.
Nag-away ang ate ko at ang kanyang asawa at habang nagpapalamig siya ay napagdesisyonan niya na dito muna tumira sa apartment ko na kahit papaano ay nagpagaan ng loob ko dahil sa totoo lang ay pakiramdam ko, masisiraan na ako ng bait sa apartment na to.
BINABASA MO ANG
My Mysterious Housemate
Terror[Horror/Paranormal] ▲ Noong hinawakan ko ang TV, laking gulat ko dahil mainit ito na para bang maghapong nakabukas. Biglang tumayo ang mga balahibo ko sa batok.