Part 7

816 15 0
                                    

Kinabukasan ay nagising ako dahil sa malakas na bunganga ni Ate. Hindi ko maintindihan ang mga sinasabi niya dahil nga inaantok pa ako ngunit nagising ako agad ng hinawakan niya ang dalawa kong kamay at pilit niya akong hinihila mula saaking kama.

“Ano ba yon, Ate?”

Kinwento niya saakin na habang naghihilamos siya sa banyo ay may nakita siyang anino mula sa salamin. Isa raw iyong anino ng isang babae. Pagkatapos ay mabilis na naglaho. Binalewala lang daw niya yon at inakala niyang guni-guni lang niya.

Noong pumunta daw siya sa may salas para buksan niya ang radio ay may nakita siyang anino ng isang babae sa may bintana. Akala raw niya ay may tao sa labas kaya tinanong niya ito.

“Sino ka?”

Pagkatapos ay naglaho raw na parang bula ang anino. Kaya dali-dali raw siyang pumasok sa kwarto ko at ginising ako.

 

“May multo dito sa apartment mo, Chloe! Umalis ka na ito, lumipat ka na!”

My Mysterious HousemateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon