Part 4

978 20 0
                                    

Kinwento ko sa kanya nag nangyari pero natawa lang siya at sinabing guni-guni ko lang daw yon. Sinabi ko sa kanya na baka may multo sa inuupahan kong apartment pero ang sabi niya hindi naman totoo ang multo at bagong gawa lang daw itong apartment kaya imposible na pamahayan ito ng mga masasamang espirito.

Kahit papaano ay nawala ang kaba ko dahil sa sinabi ng ate ko. Maaring guni-guni ko nga lang to dahil hindi ako sanay na mamuhay na walang kasama sa bahay.

Nakatulog naman ako ng mahimbing sa apartment ko kahit na sumasagi sa isipan ko ang mga nangyari ng gabing iyon ay binalewala ko na lang.

Ngunit lumipas ang mga araw. Ang daming kakaibang nangyayari sa loob ng apartment ko.

Isang araw, gumising ako ng maaga at nagulat ako dahil bukas ang electric fan at nakatapat ito sa may sofa na para bang may tao doon.  Laking gulat ko rin nang may nakita akong tasa ng kape sa hugasan. Kaunti na lang ang laman nito na para bang may uminom. Simula noong gabi na naabutan kong bukas ang TV ay lagi ko nang binibisita ang mga appliances at sinisiguradong naka un-plug ito sa outlet kaya imposibleng nakalimutan ko nanaman ito. Ganon na rin ang tasa ng kape sa sink dahil hindi naman ako umiinom ng kape sapagkat acidic ako. Nagtatabi lang ako ng kape sa bahay ko para sa mga bisita.

My Mysterious HousemateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon