Nagmamadali kong kinuha ang susi ng apartment ko sa aking shoulder bag at binuksan ang pinto ngunit pagpasok ko naman ay patay ang TV, tahimik at walang katao-tao.
Binuksan ko ang ilaw at mabilis akong lumapit sa TV. Tinignan ko kung naka-plug ba sa outlet… hindi naman.
Nung hinawakan ko ang TV, laking gulat ko dahil mainit ito na para bang maghapong nakabukas.
Biglang tumayo ang mga balihibo ko sa batok.
Dali-dali akong pumasok sa kwarto ngunit wala namang tao. Tinignan ko rin ang banyo at kusina pero wala naman akong nakita.
Biglang kumabog ang dibdib ko sa takot at dali-dali akong lumabas ng bahay at nanginginig kong tinawagan ang ate ko.
BINABASA MO ANG
My Mysterious Housemate
Horror[Horror/Paranormal] ▲ Noong hinawakan ko ang TV, laking gulat ko dahil mainit ito na para bang maghapong nakabukas. Biglang tumayo ang mga balahibo ko sa batok.