Noong hapon ay sinundo ko ang ate Bea ko upang tulungan siya sa mga gamit niya. Gabi na kami nakauwi at inabutan pa kami ng ulan. Noong bubuksan ko na ang pinto ng aking apartment, nagulat ako dahil mula sa labas ay naaaninag ko na bukas nanaman ang TV.
“Anong problema?” Tanong ng ate ko.
“Bukas yung TV.” Sagot ko.
“Bakit hindi mo pinapatay ang mga appliances mo? Mamaya biglang magkasunog dito!”
“Pinatay ko yan! Sinigurado ko nga na naka-unplug yan sa outlet bago ako umalis.”
“Hay na ko. Pwede ba yon na kusa yang bumukas na mag-isa? Ikaw talaga Chloe, kung anu-ano ang pinag-iisip mo ha.”
Noong mga oras na yon. Alam kong may mali na dito sa apartment ko ngunit hindi ko na lang yon binigyan ng pansin dahil kapag sinabi ko ito sa ibang tao, gaya ng ate ko ay wala namang maniniwala at aakalain lang nila na nababaliw na ako at dapat ng itapon sa mental hospital.
“Buksan mo na yung pinto! Ang tagal-tagal mo naman. Giniginaw na ako dito oh!”
Nag-alangan akong pumasok. Ang ate ko naman ay dali-dali na kinuha saakin ang susi at binuksan niya ang pinto at pumasok agad. Huli akong pumasok at nanginginig kong pinatay ang TV at inanplug mula sa outlet.
BINABASA MO ANG
My Mysterious Housemate
Terror[Horror/Paranormal] ▲ Noong hinawakan ko ang TV, laking gulat ko dahil mainit ito na para bang maghapong nakabukas. Biglang tumayo ang mga balahibo ko sa batok.