Dali-dali akong lumipat malapit sa inuupahan na apartment ng ate ko. Hindi ito kasing ganda ng dati kong inuupahan. Medyo luma na ito pero okay lang, atleast nakalipat na ako at nakalayo na sa nakakakilabot na apartment na yon. Mas madalas na akong bisitahin at kumustahin ng ate ko. Nagkaayos narin sila ng kanyang asawa. Masaya ako dahil na-promote na rin ako sa trabaho.
Isang gabi, galing ako sa trabaho at noong bubuksan ko na ang pinto ng bago kong apartment ay nanigas ako sa kinatatayuan ko.
Naaaninang mula sa bintana na bukas ang TV at malinaw na maririnig na kasalukuyang pinapalabas ang sikat na gameshow tuwing gabi.
THE END.
BINABASA MO ANG
My Mysterious Housemate
Horror[Horror/Paranormal] ▲ Noong hinawakan ko ang TV, laking gulat ko dahil mainit ito na para bang maghapong nakabukas. Biglang tumayo ang mga balahibo ko sa batok.