Bad&Evil: Phone Calls Today

144 4 0
                                    

Narrator

Walang kaalam-alam ang magkapatid sa mga nangyayari, bukod sa uuwi sila ng Germany at iiwanan ang Pinas.

Nakaplano na ang lahat kung paano, saan at kailan ipapaalam ni Jarhel Harley sa kanyang mga anak na sila ay magkapatid.

Lalo pang nagpahirap sa situwasyon nila ang pagaagawan nila kay Zach at kinidnap na ni Sara si Jade noon. Paano pa sila magkakasundo kung pagkapanganak pa lang sa kanila ay masyado na talagang komplikado ang mga mundo nila? Papaano naman ang nga puso nilang nagmahal at patuloy na nagmamahal ngunit nasasaktan pa rin?

*After two weeks*

Carah's PoV

Yayy!!! Finally flight na today!!! Nilalagay na namin ni Kuya Jeri yung mga maleta ko. Andami kong dala. Kumbaga sa isang variation ng gamit, dalawang maleta or mas madami pa ang katumbas. Halos nakatatlong van pa nga kami eh. Hays, ang hassle lang talaga kapag lalayas ka eh.

Dahil tinatamad ako, inutos ko na lang kay Yaya Marie yon. Tutal eh marami naman kaming utusan dito.

Bago pa ako pumasok sa kotse, hinila na ako ni Yaya Marie for a warm hug. Kahit naman hinahagis ko lang sa mukha niya yung mga damit ko at kinakawawa ko yan, mahal ko yan noh?

Pasalamat siya, mabait ako. Maganda pa.

"Wag kang magpapalipas ng gutom doon ha? Umayos ka. Hindi na ako ang yaya mo doon. Wag ka nang magpuyat at umuwi ka ng tama sa oras ha? Wag kang masyadong maggagala doon, delikado na sa panahon ngayon. Lalo na at wala ako doon para hintayin kang umuwi, sunduin ka ng lasing o sabihan ka ha?" Bilin niya. Ang sweet naman.

Pero daig niya pa ang nanay kung tumalak. Grabe, 2nd mom ko na siya eh. Ang lungkot lang at di ko siya maisasama ngayon. Uuwi silang probinsiya ngayong ilang araw na lang at magpapasko na.

I hugged her back and she faced me. Pagkasakay ko, sinalpak ko yung headphones ko at nilagay yung neck pillow... Sa leeg diba? Kaya nga NECK pillow eh!

Sinuot ko rin yung shades ko tapos sumandal na sa mga bag na nasa gilid ko. Habit ko to everytime na magt-travel kami.

Nagising naman ako nang biglang huminto ng malakas yung kotse. Tinaas ko ng bahagya yung shades ko at tinignan kung anong meron.

"Ay.. Tsk! Bakit ngayon pa?" Iritang-irita kong sinabi. "Anong problema?" Tanong ko kay kuya Jeri.

"May tumatawag po kasi sa inyo kaya ginanon ko na lang kasi po magagalit kasyo kapag ginising ko kayo e," Sabi niya na nagkakamot ng batok sa hiya. "Pasensiya na po."

Inirapan ko na lang siya tapos kinuha yung phone kong maganda.

Nakita ko sa caller id at pangalan ni Zach yung andon. Syempre di ko sinagot, hinayaan ko na lang mag-miss call kasi baka sundan pa niya kami or ano. Baka imbes na matahimik na ang buhay namin ay lalo pang magulo.

Bad meets EvilWhere stories live. Discover now