Bad&Evil: Please Don't

114 2 0
                                    

A/N: If ever may errors, sa grammar, spellings, typos, sorry for that. Pag nakita ko, i-eedit ko. Just keep on reading. And please kung may errors man kayong ma-encounter, common sense na lang, hihi. :>

~Ang Author niyong asawa ni Baekhyun

---

Jade's PoV

"C-carah? Naiiyak ka ba?" Tanong ko. Nagngilid kasi bigla ang mga luha ni Carah pagkatapos ng mahabang katahimikan.

Pinunasan ko ang pisngi niya gamit ang kamay ko, at hinawakan niya yun bago umiling. Sht. Ayokong nakikitang umiiyak ang best friend ko! Kung sino man ang nagpaiyak sa kanya, bubugbugin ko! Bakit ba kasi 'to umiiyak na lang sa kawalan!

"C-carah? Why?" I asked. Tanging iling lang ang sinagot niya sa'kin. Napatayo ako agad, at hinanap yung lalaking kausap niya kanina.

Nang makita ko naman siya, tinuro ko agad siya kaya medyo nagulat siya roon.

"IKAW!" Sigaw ko. Napatingin siya sa katabi niya at saka tinurong muli ang sarili niya.

"Oo ikaw! Bakit mo pinaiyak ang best friend ko ha!" Sigaw ko uli.

Lumapit siya sa amin.

"Pardon? Teka, wag tayo rito mag-usap—" Sabi niya na hindi ko pinatapos nang ituro ko si Carah na nagpupunas ng luha.

"Jade, tama na nga. Nakakahiya na e." Sabi naman ni Carah.

"Tss. Hangga't di mo sinasabi sa akin ang dahilan kung bakit ka umiiyak, hindi ako titigil." Sagot ko naman sa kanya. Napairap na lang ako.

"Tara na nga lang. Uwi na tayo." Aya niya at tumayo na. Hinawakan niya ang pulso ko at bahagyang hinila papalayo.

Tumingin siya kay Eric, at etong si lalaki, walang kaalam-alam kung anong nangyayari. Bahala nga sila.

Pagdating namin sa parking lot, nauna siya sakin na sumakay sa kotse.

"Problema mo ba?" Tanong ko sa kaniya pagkasakay sa kotse habang nagaayos ng seatbelt.

Dadalhin ko siya sa isang lugar kung saan makakapag-usap kami ng maayos.

"Just... Take me somewhere. Somewhere away from everybody. In a place where there's no other people but us." Sagot niya.

Oo, tama ka Carah. Do'n naman talaga kita dadalhin. Hay nako. Para tulot tayong magkasintahan neto. Ano kami, magtatanan? Ew.

Kinalikot ko yung car stereo, at itinigil iyon sa isang kanta. Yung kantang sa tingin ko'y makaka-relate si Carah, para mailabas niya yung mga nararamdaman niya ngayon.

Bestfriend yung napatugtog ko, ay teka tanga, panlalaki at pambabae pala iyon.

So nilipat ko uli yung music, hanggang sa tumigil sa isang kanta. Korean yung kanta, pero alam na namin yung ibig sabihin nito. Palagi kasi namin itong kinakanta noon.

Bad meets EvilWhere stories live. Discover now