Bad&Evil: That Mysterious Guy

123 4 0
                                    

Zach's PoV

Pagkahatid ko kay Jade sa bahay nila, pinauwi niya na ako kaagad. Gabi na rin kasi at gusto niya raw munang mapag-isa.

I'm sure hindi maganda 'to, dahil dapat ko siyang bantayan, pero yung tingin niya kanina, kutsilyo na lang ang kulang para mapatay ako!

For sure magkukulong yun sa kwarto niya. Hindi siya sanay nang walang Carah na nag-iingay palagi. Hindi siya sanay na walang kumukulit sa kanya.

Anyways, hindi na lang pala ako aalis. Dito na lang pala ako sa labas ng bahay nila. Ay hindi, papasok na rin pala ako.

Si Jade ang naiwan dito since umalis yung iba. May training si Saralyn sa business nila at sinamahan siya ni Tita Jarhel. Sa ibang bansa yun and I think they'll be away for a month or two.

Pinagkatiwala rin si Jade sa akin, kaya may susi ako ng bahay nila. Nag-leave ngayon yung yaya nila. So habang wala sa paligid si Carah, ako na muna ang magbabantay sa girlfriend ko.

Pagpasok ko, ni-lock ko kaagad yung gate. Pati na rin yung pinto. Magha-hating gabi na rin kasi. Delekado.

Pagpasok ko palang, bumungad na kaagad sa akin ang magulong sala. Hays. For sure nagdrama si Jade dito. Magulo yung mga throw pillow na siguro nga eh hinagis niya, yung iba nakakalat pa sa sahig. Inayos ko yun isa-isa.

Yung tv din, naiwang bukas. Inoff ko muna. Yung mga hugasin nasa lababo pa rin. Nagsimula na kong maghugas ng mga pinagkainan niya.

Pagtapos nun, chineck ko yung fridge. Gulo-gulo rin yung mga nakalagay do'n. Ewan ko ba, pati ba naman sa pagkain makalat siya. :<

Pagkatapos kong magpaka-yaya, umakyat na ko para bantayan si Jade.

Hindi nakalock yung pinto, kaya nakakapanibago. Lagi kasing nagla-lock yun eh.

Hanggang sa binuksan ko na yung pinto, at hindi ako makapaniwala sa nakita ko.

---
Dinala ko siya sa pinakamalapit na ospital mula sa subdivision nila. Hanggang ngayon, hindi pa rin lumalabas yung doktor, at nandito pa rin ako sa may waiting area.

Nagdadasal na sana okay na siya. Nabubuang na yata yung babaeng iyon. Grabe ang epekto sa kanya ng pag-alis ni Carah.

Dahil doon, naisipan kong tawagan sina Tita Jarhel, pati na rin si Saralyn. Masyado nang gabi para tawagan ko sila, but this is an emergency.

Ring ring ring ring ring ring ring...

Walang sumasagot...

Hindi din sinasagot ni Tito Daniel yung tawag ko, kaya kahit na hindi magandang isipin tinawagan ko si Sara. Medyo awkward dahil may past kami, but okay na rin naman kami eh. Dala lang kasi ng lungkot niya yung mga nagawa niya dati.

At nalaman-laman rin namin na nasanay na lang siyang maging ganon, na masama ang ugali, dahil sa tingin nung gagung Joe na yun, mga babaeng may masasamang ugali ang hinahanap namin para sa girl leader.

Bobo pala siya eh. Ang hinahanap namin yung alam kong kakayanin ang posisyon niya, leader-material, matapang, and at the same time yung kaya akong mahalin at yung kaya ko ring mahalin. Gago amp.

O, tama na. Gigil ka na eh.

Nung sinagot na ni Sara, hindi ko alam kung bakit biglang bumilis yung tibok ng puso ko. Walang sumasagot sa kabilang linya at tila hinihintay lang akong magsalita.

Hanggang ngayon, gano'n pa rin pala siya.

Hindi pa rin siya nagbabago sa pagsagot sa tawag. Hinihintay niya munang magsalita yung nasa kabilang linya. Pwera lang kung siya ang tumatawag, ano.

Bad meets EvilWhere stories live. Discover now