[SPECIAL CHAPTER: Valentine's Day?]

141 2 0
                                    

Carah's PoV

We are having lunch, while talking about all the revelations Tita Jarhel had made.

E, hindi naman namin siya masisisi. And besides, nangyari na eh. Ang kailangan na lang namin gawin, tanggapin ang lahat and stop living from the past. Napag-usapan na rin namin ang tungkol sa ilang beses na pagtangka ni Sara na patayin si Jade. Tanggap na naman ni Sara ang kasalanan niya and she's very sorry for all of it. Pumayag naman siya na mapakulong, para lang maayos ang lahat. Si Tito Daniel ang nag-ayos ng mga kailangan, kahit na masakit sa kalooban dahil ngayon pa lang niya makakasama ang anak na nawalay sa kanya ng maraming taon.

*6 months later*

Valentine's Day nga raw ngayon. They call it Valentine's day but it's just an ordinary day. Nothing special. Araw ng mga puso.. Araw ng mga patay ngayon! Bitter ako and alam ko yun.

I don't care.

。^‿^。 。^‿^。 。^‿^。  。^‿^。  。^‿^。  。^‿^。

Binilhan ko sila lahat ng gift. Aba, syempre po!  Mabait ako. Nagmamalasakit lang.

"Hoy, Jade. Gift ko para sayo oh. Oo na! You're welcome! Wag ka nang magpasalamat! Mabait ako, eh! Likas yun sakin!" Biro ko. Hinampas nya naman ako sa balikat tsaka ako niyakap.

"Beb, thank you ha? Sorry wala akong gift sayo." Sabi niya. Kuripotness overload.

"Di, joke lang! Syempre meron! Abangan mo na lang." Bawi niya. Buti naman. Akala ko nakalimutan niya kong regaluhan sa ganda kong 'to?!

***

"Sige naaaa.... Tulungan mo na ko! Dali! Makikinabang ka rin naman dito eh! Dali oh, sayang oras sige ka, wala kang gift." Pang-uuto ni Zach.

Nakikiusap kasi siya sakin na tulungan ko siya sa balak niya. Plano kasi niya, i-invite ang buong family to a dinner.

Tapos doon na siya magpo-propose kay Jade. Ops! Hindi kasal, ha? Magpo-propose ng panliligaw. Ewan ko ba dun, may saltik.

"Fine! Siguraduhin mo lang na makikinabang talaga ako diyan, ha? Patay ka sakin pag hindi nagkatotoo yun." Sabi ko. Napangisi naman ang loko. Hmp! Kung di ko lang 'to gusto para kay Jade, eh.

"Sige. Sagot ko na yung place. Ikaw na sa lahat. Charr. Sige na nga! Ako na rin sa food! Naman eh!" Wala naman akong choice eh.

Ngayon lang kasi siya makakabawi kay Jade. Sa kabila ng lahat, mahal niya pa rin talaga si Jade at hindi pa rin siya sumusuko. Hay.

Kailan kaya ako makakahanap ng lalaking para sa akin? Lord, isang Lee Jong Suk naman oh! O kaya Nam Joo Hyuk! Pwede rin si Park Hyung Sik! O kaya si Lee Min Ho! Si Kim Woo Bin? Si Yoo Seung Ho?  O kaya si Ji Chang Wook? Ay gusto ko yon. Si Lee Joon Gi kaya? Si Park Bo Gum? Si Park Seo Joon? Hay nako. Imagination mo ang limit!💔

Kahit na hindi ka bitter, tuwing Valentines Day mapapa-ampalaya ka talaga. Yung nakikita mong may dalang flowers, chocolates, balloons, stuffed toy or unan na dala yung iba, tapos ikaw,...... Naka-itim na suot, naka-pasak ang earphones, mag-shades ka pa! Para bitter-be like talaga!

Bad meets EvilWhere stories live. Discover now