Chapter 9: Winter secrets

58 4 0
                                    

Nag-start na ang winter, napakalamig ng panahon..

Kaya nag-jacket ako ng makapal, at gloves sabay bonnet.

Uuwi na sana ako kasi na-cancel ang klase sa hapon, dahil madami na daw nagkakasakit sa weather.

Biglang inimbitahan ako ni Lance pauwi,

Gusto niya daw akong ihatid sa bahay,

Kawawa naman kung tatanggihan ko siya, halos lahat na ng bagay na inaalok niya tinatanggihan ko.

'Ngayon lang, Angel..' bulong ng isipan ko,

"Sige…" sagot ko,

Tahimik kaming naglalakad pauwi,

"Sabi nila baka daw may boyfriend ka, kaya wala kang napupusuan sa school. Kaya lagi mo akong tinatanggihan.Pero di ko sila pinapakinggan, wala akong pakealam kung meron ka or wala.."

"Ang alam ko lang, lagi kang malungkot.. kung meron ka ngang boyfriend, ba't ka lagi nasasaktan? Ba't laging malungkot ang mga mata mo? basta, Angel.. hihintayin kita.. kahit gaano katagal , di kita iiwan" tugon nito,

Gusto kong manggaling kay Blue, lahat ng pinagsasabi ni Lance.

Gusto kong marinig na sabihin ni Blue ang salitang, 'Hinde kita iiwan' pero pagbaliktarin man natin ang mundo, iiwan niya lang ako pag sumapit na ang winter, summer at spring.

Ganoon na lang lagi, hanggang saan kaya magtatagal ang lahat ng ito?

Biglang inabot ni Lance ang kamay ko, medyo nagulat ako.. pero di ko siya pinigilan.

Ganito rin ang nasa panaginip ko,

"Ang lamig ng kamay mo ah.." tugon niya,

Kaso, iba ito.. ito si Lance.

Hinde siya ang gusto kong humawak ng kamay ko,

~~~||~~~~~~||~~~~

Pagkatapos akong ihatid ni Lance sa bahay, instead of pumasok ako sa bahay.. pa-sekreto akong nagtungo sa bundok.

Wala na akong pakealam ngayon, kung gaano ito kahirap lakarin, kung gaano ito ka layo, ang importante lang ay makita ko ang puno niya.

Nang makarating ako sa puno, agad ko itong hinaplos..

"Hi, Blue.. alam kong natutulog ka lang jan sa loob, pero gusto ko talagang umm.. mag-kwento sayo ngayon"

"Alam ko, para akong baliw na mag-ku-kwento kasi wala namang nakikinig diba? pero gustong-gusto ko talagang sagutin ang tanong mo nung isang araw. Diba tanung mo, "Ano ang huling sinabi mo noong  uuwi ka na sa panaginip ko?" right? gusto na kitang sagutin ngayon, kasi sa tingin ko … hinde ko kayang sagutin ang tanong na ito sa personal, Blue.."

"Ang mga huling salita mo ay, 'Mahal kita, Angel. Mahal na mahal"

Di ko mapigilang umiyak habang sinasabi ang mga salitang ito, Nagiging iyakin na ko dahil sayo, Blue.

Bakit ganito? ang sakit talaga? napaka-sakit...

napakabigat sa damdamin,

na para bang gusto nitong sumabog.

"Blue, mahal na mahal kita… ikaw lang ang pinaka-importanteng nilalang saakin, walang iba.. ikaw lang"

Para akong tanga na nakayakap sa puno,

Pilit kung tinitiis na hinde umiyak, pero lagi akong tina-traydor ng mga luha ko, nag-uunahan sila sa pagpatak.

"Hihintayin kita, Blue.. kahit gaano ka tagal, kahit habang buhay.. "

"Alam mo ba? Noong elementary ako... mga  10 years old ata ako noon, tinanung kami ni ma'am..  kung ano daw ang pangarap namin paglaki, isa isa kaming nagsitayuan sa front.. alam mo ba, Blue…..…. kung anong isinagot ko? Ang sabi ko 'Gusto kung maging acorn tree paglaki' kasi diba sabi mo, gusto mo ang mga punong acorn kasi healthy sila? at masayang kasama. Pinagtawanan ako ng buong klase, pero hanggang ngayon .. hinde ako nagsisi sa sinabi ko iyon, kung pwede lang.. maging puno gagawin ko"

"Ganoon kita ka-mahal, Blue.. ganun ka lalim ang pag-ibig ko sayo.."

Biglang uminit ang puno, ewan ko ba? Pero parang umiinit ito.

I smiled..

Narinig na nga niya, narinig nga ni Blue.

Narinig na niya ang nasa loob ng damdamin ko.

At hinde ako nagsisi.

---//----///---//

VOTE

COMMENT

FAN

Autumn Leaves (100% sure will make you cry!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon