Ngayon ang huling araw na magkikita kami ni Blue,
6:00 am at nagtungo na ko sa bundok, kailangang sulitin right?
Nang makarating na ko sa puno ay nahagilap ko nang naka-upo dun si Blue sa branch ng puno,
"Tsss.. sobrang aga mo naman, halika.. akyat na" sabi niya, still expressionless…
"Kailangan noh!? Mahirap na.. ngayon na kaya ang huling araw, haleeer! " sabi ko, sabay akyat sa puno.
Ngayong araw, napagdesisyunan ko na iba nanaman ang ikukwento ko kay, Blue..
Ito ay ang mga panaginip ko sa kanya,
Sa totoo lang, Lagi ko siyang napapanaginipan .. pero di ko ito kayang e-share sa kanya, pero ngayong araw ay nakakuha na ako ng guts para sabihin ito sa kanya.
Dali dali akong nagkwento, ng mga masasayang pangyayari sa panaginip ko tulad ng pag kinukulit daw ako ni Blue sa klase, at pag natutulog ako sa Math class at bigla nalang ako gigisingin ni Blue.
Tahimik lang na nakikinig si Blue ng taimtim, syempre di ko sinabi yung malalalim na part tulad nung 'mahal kita or kahit anung may corny na part' dalawang oras ng lumipas ang pag-ku-kwento, di parin umiimik si Blue.
"- so uuwi ka na nga, tapos ipapagawa ko sayo yung assignment ko sa math, gagawin mo naman kasi ako ang gagawa ng english assignment mi, hehe.. at bibigyan daw kita nh chocolate cupcakes ni mama, kasi nagpapa-take out ka kasi naoaja-sarap nun.. tapos uuwi ka na, at sasabihin mong 'Kita ulit tayo bukas sa school, Angel' …. dun lang. Ano sa tingin mo? maganda ba ang panaginip ko? Di ka naman umiimik eh, .. panget ba ang kwento? or mas gusto mo nang fairytales?? huyy.." tanong ko,
Tahimik lang siyang nakayuko, di ko makita ang expression niya kasi nakatakip ang buhok nito sa mukha.
"Uyy, Blue.. panget ba?" tanong ko ulet,
Bigla kong napansin ang tumutulong luha sa mata niya,
Umiiyak si BLUE!!?? POSIBLE BA YUN!!
"Blue, gusto mo bang itigil ang--
"Hinde, ituloy mo lang ang kwento mo, Angel. Ito ang pinaka magandang kwento na sinabi mo " bigla siyang, humarap siya saakin at tinignan ako sa mata.
Patuloy ang pag-agos ng luha nito, pero ang weird na part, nakangiti ito ng malapad.
Hinde ngu-mingiti si Blue na ganoon ka lapad, its usually bitin na ngiti.
Kitang-kita mo ang saya sa ngiti niya, pero napakalungkot ng mata nito.
"Ito ang pinakamasayang kwento na narinig ko, wala na kong ibang mahihiling pa kundi pakinggan ito, Pwede bang .. magkwento ka pa?" tanong niya,
Di ko mapigilang lumuha, sabay ngiti rin..
"Oo, madami pa akong kwento.. " masayang sagot ko habang pinu-punas ang mga luha sa pisngi ko,
Tumango rin ito,
At nagsimula na akong magkwento….
Di ko mapigilang di mapaluha sa mga masasayang parte ng kwento, si Blue naman tini-tiis umiyak, pero napansin ko na napupuno na ng tubig ang mata niya.
Para kaming tanga na umiiyak habang ngumi-ngiti ng malapad,
Lumipas na ng mabilis ang oras at nagsimula ng mag-alarm ang phone ko,
*Kringgg Kringg*
Bwisettt!? Pwede bang itapon ko tong phone na toh, ba't ang bilis lumipas ng oras.
"Oras na, ituloy mo nalang ang kwento sa susunod na taon.." tugon ni Blue,
"Sige na nga, wag kang mag-alala isusulat ko lahat ng mapapanaginipan ko sa buong taon, para di ko makalimutan.. at ma - kwento ko sayo sa next na autumn" sabi ko, sabay baba sa puno.
Aalis na sana ako, nang tawagin ulet ako ni Blue.
"Angel?"
"Bakit? isang segundo pa ang lumipas ah? namiss mo na ko? hahaha"
"Ano bang huling sinabi ko sa panaginip mo, yung bago na ko aalis sa bahay nyo? Gu-gusto ko lang malaman.. " tanong niya na para bang natataranta,
Napangiti ako,
Ang sabi mo 'mahal kita, Angel … mahal na mahal'
Pero di ko ito kayang sabihin,
Kaya iba ang sinagot ko,
"Naku, Blue.. parang teleserye lang ito noh? Syempre, kailangan mo talagang maghintay para sa next na part,okay?"
"Tsaka, magkikita ulet tayo sa next na autumn, kaya humanda ka nang makinig sa non stop na kwento ko hahaha, byeee.. Blue!! Kita tayo next year!!" sabi ko sabay kaway, at ngumiti ng malapad.
Ngumiti rin ito,
"Paalam, Angel….." sabay kumaway rin,
"Ma-mimiss kita.." dagdag niya,
Nagulat ako sa sinabi niya, kaya agad rin ako sumagot nang "Mas ma-mimiss kita, Blue face.."
----//----//
VOTE
COMMENT
FAN
BINABASA MO ANG
Autumn Leaves (100% sure will make you cry!)
Storie brevi(FINISHED) Only in autumn, Where the dead leaves flutter can I meet the mysterious blue haired boy. -Angel