Chapter 12: Blue Leaves

101 4 0
                                    

(A/N: Listen to 'Speaking a dead language' by: Joy Williams, para maramdaman nyo pa yung bawat scene.. this song is the best song for this chapter! Sana magustuhan niyoo~~)


Nahanap ako ng mga classmates ko na na-himatay  sa garden, na may maraming patay na dahon daw sa tabi ko. Kaya dinala agad nila ako sa clinic.

Over-fatigue daw ang dahilan,

I dont care…

Agad agad akong umuwi sa bahay at nagkulong sa kwarto. Ang akala ko ay mamatay ang asul na dahon sa kamay ko, tulad nung iba. Pero, nanatili parin itong asul.. agad na tinago ko ito, sa isang glass decorum  na baso.

Hinde rin naglaon ng malaman kong nasunog pala ang buong Green Forest dahil sa isang sigarilyo, na sinadyang tinapon roon.

Buti at nahuli na rin ang suspect, habang buhay daw ito makukulong sa bilangguan, pero wala akong pakealam.

Hinde naman babalik si Blue, kahit nakulong pa siya eh, nangyari na ang nangyari.

Buong week na kong hinde pumasok, di na rin ako makakain ng maayos at lagi akong nakatingin sa malayo, nakatingin lang sa bintana ko, sa nasunog na bundok.

Habang umiiyak ako ng pa-sekreto buong gabi,

Next week na ang autumn,

Kung dati ay masayang masaya ako, kasi naghahanda na ko sa mga oras na ito sa pagkikita namin ni Blue..

Ngayon naman ay nagdudusa ako habang inaalala lahat ng iyon,

"Ayaw mo bang bisitahin ang Green Forest anak? Di ba gustong-gusto mo ito bisitahin pag-dumarating na ang autumn" tugon ni mama,

Di ako sumagot,

"Nasunog na mah, ang Green Forest… wala na, wala nang natira dito.." sabi ko, pinipilit na di mapaluha,

She just smiled at yinakap ako, "It doesn't mean na pag-nawala na ang mga puno sa isang lugar ay katapusan na, Angel anak.. tulad ng tao, may papalit at  papalit lang rito.." sagot niya,

"Anong ibig sabihin mo, mah? " nalilitong tanong ko,

"May program kami ng papa mo na  ini-establish sa buong bayan, "Grow trees" program, nakita kasi namin.. ang malaking epekto nun sayo, kaya napag-isipan namin ini-nvite lahat ng tao sa bayan na mag participate sa program… para mabuhay ulit ang Green Forest, sa insidenteng nangyari…" sagot niya,

Nagulat ako sa mga narinig ko,

Ganito ba talaga ako ka-mahal ng parents ko?

Agad kong yinakap si mama,

"Thank you, Mah!" sabi ko habang yinayakap siya ng mahigpit,

~~~||~~~~~||~~~

Ngayon na ang huling araw ng autumn,

Buong autumn ko laging binibisita ang Green Forest, nag start yong program nina mama nung firstday ng autumn.

Napakasayang tignan na ang buong bayan ng Requezzo ay nagtulong-tulongan para magtanim ng bagong mga puno, dumating na rin ang mga classmates ko, mga bestfriends ko at iba pang malalapit saakin.

Isa-isa kaming binigyan ng pwesto kung saan itatanim ang puno namin, syempre special yung akin, kasi pinapili ako ni mama kung saan ko ba gusto.

Walang iba kundi ang pwesto ng puno ni Blue, ngayon ay tanging mga ugat at mga abo ng puno lang ang natira.

Sabi ni Blue, gusto niya ng Acorn tree…. kaya ito ang tinanim ko rito, habang lini-linisan ang paligid na pagtataniman ko ay parang sumasabog ang puso ko sa sakit na nadarama ko.

Autumn Leaves (100% sure will make you cry!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon