Bumabagsak nanaman ang mga dahon ng puno sa Green Forest,
A U T U M N ..
Ang pinakamasayang season,
Dahil sa magagandang kulay na hinahatid ng mga dahon pag nahuhulog ito,
Orange and Yellow leaves…
But no sign of Blue leaves,
Ilang taon ko rin hinangad na makita ulit siya, pero masakit ang kapalaran dahil hinde na kami pinagkita nito.
Tulad ng sabi ni Blue, na sa panaginip lang daw kami magkikita.
Halos everyweek ko siyang napapanaginipan, pero hinde tulad ng mga panaginip ko, kundi ang mga memories ko sa kanya.
Ang mga oras na nakaupo lang kami sa puno niya, nagku-kwentohan ng kung anu ano.
Ganoon lagi ang mga panaginip ko sa kanya, at sapat na saakin yun para mapawi ang lungkot nang mawala siya.
MASAYA na ako ngayon.
Dahil naka-move on na ko.
Tulad nga ng sabi ni mama, "Pag mamatay ang isang puno, hinde na ito ang katapusan… dahil pwede ka pang magtanim ng bago"
At nagpapasalamat ako na binigyan pa ako ng isang Blue na nagpapasaya sa buhay ko ngayon.
"Blueeee!!!" sigaw ko, habang hinahabol ang isang bata sa Green Forest,
"Mama, sumunod ka lang kasi.." sagot nito habang masayang tumatakbo,
Dinala niya ko sa paborito kong lugar sa Green Forest.
"Ba't mo ko dinala rito, anak?" tanong ko,
Memorado na kasi ni Blue ang Green forest, ito kasi ang paboritong pasyalan naming pamilya.
"Kasi malungkot ka, at ito lang na lugar ang nagpapasaya sayo diba? Dahil ang mga memories niyo ni Kuya Blue diba?"
Sa anak ko lang sinabi ang lahat ng nangyari saamin ni Blue, dahil hinde ko ito kayang ilabas sa iba.
Para kay Baby Blue ko, ang nangyari saamin ni Blue ay isang magandang fairytale, bago siya matulog ay gusto niyang makinig ng stories tungkol kay Blue.
Di tulad nung ibang bata na ang idolo ay si Superman, Batman at kung ano pa. Para sa kanya ang hero ay si "Blue Face" (yun ang tawag niya sa kanya)
Minsan na rin ay na-report saakin ng adviser ni Blue, na iba iba daw ang pinagsasabi niya sa portfolio niya, lagi daw nito sinasabing gusto niya maging Acorn Tree.
Natawa nalang ako, nang ma realize kong "Mother like Son" ang peg namin.
Siguro dahil na expose mashado si Baby Blue sa nature simula nung bata pa, kaya ang epekto nito sa kanya ay gusto na tuloy niyang maging 'environmentalist', kahit sa mumurahing edad niya na 7 years old pa lang.
Mahilig siya ng kung anu ano tungkol sa nature, mga puno at iba pa.
"Ba't mo namang nasabing malungkot si Mama?" tanong ko, habang yinakap siya.
Napatingin ako sa bandang lugar, kung asan ang puno dati ni Blue.
Medyo lumalaki na rin ang punong itinanim ko dun.
"Kasi matatagalan si papa sa business trip niya sa states, diba 2 weeks? So, malulungkot ang mama ko" inosente niyang sabi,
I cant help to smile,
Alam na alam niya ang nararamdaman ng mama niya, lahat ay ginagawa ni Baby blue.. mapasaya lang ako, pag malungkot ako..
May business trip kasi si Lance, sa states so matatagalan siya.
BINABASA MO ANG
Autumn Leaves (100% sure will make you cry!)
Historia Corta(FINISHED) Only in autumn, Where the dead leaves flutter can I meet the mysterious blue haired boy. -Angel