CHAPTER 2

51 6 19
                                    

CHAPTER 2

[UNIQUE's Point of View]

"Eto na yung sa number 23." Ani ng cheff.

"Yeeeey.."

Makakalamon na!

"Unique!" Napalingon ako sa tumawag at nakita ko si Jem na itinaas ang kamay. "Dito kana umupo!" Anyaya nito at tumangong pag-ayon naman ang kaniyang kambal na si Jam.

Ngumiti ako at tumungo doon. Umupo ako sabay lapag ng aking pagkain. "Buti tinawag n'yo ako mukha kasing pinag didiskitahan naman ako nina Jazmin." Tumingin ako kina Jazmin, hindi kalayuan sa kinaroroonan namin. Kanina pa nila ako tinitignan sa counter.

"Hayaan mo 'yang mga 'yan." Umiirap na sabi ni Jem.

"Kamusta pala training n'yo?" Tanong ko.

"Ayun, ang sungit ni Sir, hindi manlang binawasan ang tempo." Sagot ni Jem

"Matagal na kaya iyong ganoon si Agent 21 wag kang ano." Sabat naman ni Jam sa kambal.

Sinimulan ko nang kumain.

"Pero parang mas lumala pa ngayon. Yung parang tititigan ka lang niya delikado na buhay mo. Ang hirap n'yang kabisaduhin!" Angil ni Jem.

"Oo, pati ako nadadamay sa kaartehan mo." Singhal din ni Jam sa kaniya.

Lumagok ako ng juice bago sumabad. "Sa susunod upakan mo na iyon!" Birong suhestiyon ko.

"You're bad, Unique." Si Jam

"O kaya kapag agent na tayo saka ko s'ya gagantihan." Dugtong ni Jem.

Sarkastikong napatawa ang kaniyang kambal sa sinabi n'ya na ikinangiwi ko. "Akala mo magiging agent ka? Tignan mo nga sarili mo, nagagalit ka nga kay Sir tapos aasa kang magiging agent ka."

Umiba naman ekspresiyon ni Jem sa kambal niya. "Makapag salita ka kala mo hindi mo'ko dinadamayan sa pag back stab doon. Wag nga ako."

"Atleast di ko ini-expect na magiging agent ako." Dipensa ni Jam

"Pwes ibahin mo naman trip ko." Sabay irap pa ni Jem

"Magtigil na kayong dalawa, kumain na lang kayo nilalangaw na kayo oh." Suway ko.

"Bat parang ang dami mong pagkain, Unique?" Si Jem.

Kumibit-balikat lang ako at pinagpatuloy lang ang pagsubo.

Ugh!

*Nom nom nom nom*

"Dahan-dahan lang prend, may bukas pa." Si Jam habang hinahagod ang aking likod.

Sumubo parin ako ng isang kutsarang kanin kahit na puno na ang aking bibig. "Olom kong lamon no ito tyoko nogugutom no ong drogon ko so shikmuro." Sumubo parin ako ng subo.

"Naiintindihan ka namin." Si Jam.

"Saan tayo pupunta pagkatapos natin kumain? Tutal wala naman na tayong gagawin mamaya." Tanong ko bago muling sumubo.

"Maybe sa pool area?" Suhestiyon ni Jam

"Na naman?" Angal ko

"Doon din ang gusto ko." Tugon ng kaniyang kambal kayat hindi ako naka angal.

PROTECTED BLACK TOPIATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon