CHAPTER 5

21 3 0
                                    

CHAPTER 5 "Adik ka ba, Dag? O drug dealer?"

[UNIQUE'S POV]

"Unique."

Napaangat ako ng tingin sa pagtawag ni Miss Celine. Pare-pareho kaming mga tahimik sa loob ng office niya. Nakakabagot nga lang dahil puro lang dada at sermon ang naririnig namin sa loob. Nakaka wala ng oxygen.

"Wala akong kasalanan, siya iyung bumangga sa akin." Reklamo ko dahil pinaparating sa akin ni miss Celine na hindi maganda ang ginawa ko.

"But you don't have to over react about what happened to you." Humalukipkip pa siya pagkasabi noon na ikinairap ko.

"Kasalanan niya dahil hindi siya tumitingin sa daan." Tukoy ko kay Reece saka pataray na humalukipkip din ako.

"I know, but you are just a new student here. You must first adjust in this school before you do what you want freely."

Kumunot ako. "Anong adjust ang sinasabi mo? Sinasabi mo bang palampasin ko ang mga bagay na hindi nararapat sa sarili ko dahil kailangan niyang lintik na adjust na iyan? Anong klaseng paaralan ba ito? Tinaguriang prebilihiyo ngunit hindi ko aakalain na ganito ang pamamalakad rito. Pamasok ako dito ng maayos binunggo niya ako at ngayon kasalanan ko?"

"Haha yes!" Sabad ni Reece na panay lang ang ngiti habang nakikinig sa amin.

Minasamaan ko siya ng tingin. "Ikaw na nga ang tanga, ako pa ang sinisi."

Umakto pa siyang napatakip bibig. "Ooopss!"

"That's not what I mean Unique." Si miss Celine

Bumuntong hininga ako at umirap. "Naiinis ako!" Sambit ko.

"Attitude miss Lazaro." Suway ni Miss Celine.

Padabog na sumandal ako sa aking kinauupuan. "Tsk!"

Tila may isang segundo silang tumigil sa sinabi ko. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko subalit gusto ko magalit pero parang kusa na lang ito kumakalma.

"Naglakad lamang ako at sumunod sa iyo tapos ganoon na ang nangyari sa akin. Ako pa naipit sa patayan ng dalawang ito, tinutukan pa ako ng baril." Ngumuso ako

Nagpakawala si miss Celine ng malakas na buntong hininga na para bang paubos na ang kaniyang pasensya. "I know, i saw it all but---"

"Just let her be, old bitch. I'll take care of her." Kumindat sa akin si Reece habang pinapaikot ang isang ballpen sa kaniyang daliri.

Tumingin naman ng masama si Miss Celine sa kaniya. "Don't make any moves with your plans, Reece."

Tinaas ni Reece ang kaniyang mga kamay. "Haha! Relax, I'm just joking." Kinindatan niya ako.

"Subukan mo rin akong hawakan hindi lang iyan ang aabutin ng hitsura mo." Pagbabanta ko sa kaniya. Tinignan ko si Adrian na tahimik lang. "Babaho hininga mo kapag hindi ka nagsasalita." Inis na sabi ko. Kanina pa siyang tahimik, hindi ko alam kung nakikinig ba siya o malalim lang talaga itong mag-isip.

PROTECTED BLACK TOPIATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon