CHAPTER 15

27 2 0
                                    

KUMAG

[UNIQUE'S POV]

"Tell me what's going on." Ma-awtoridad na tanong ni miss Celine.

Kasalukuyang nasa office na naman kami n'ya. Hindi ko inaasahan makaabot sa kanila ang sabunutan fight naming apat. Sinisisi ko din si Dag at Reece dahil sa pagsuway sa amin lalo na si Reece ang may pasimuno sa pagdala sa amin dito. Kainis!

Tinignan ko ng masama si Reece na nakaupo lang sa sofa habang iniibabawan ice bag ang kaniyang pumutok na pisngi dahil sa kagagawan ko. Nilingon ko din si Dag na nakatayo sa malapit sa pinto.

"Did y'all find yourselves as a matured student in that Comfort Room?" Pasimulang sermon ni maam Celine at umiling ako maliban sa tatlong hinayupak.

Nagsalitan kami ng masasamang tingin. "Flirt!" Sigaw ni Gestia sa akin.

"Immature!" Ganti ko.

"No!'

"You are the immature here!" Sigaw n'ya sabay tayo.

Tumayo din ako at hinarap s'ya ng malapitan. "Edi ikaw ang malandi!"

"Stop."

Lumingon kaming lahat kay miss Celine pero hindi parin kami nagpatinag. "Kukutusan kita d'yan e!" Sigaw ko ulit at inangat ko ang kamay ko ngunit naramdaman kong inawat ako maging sila ng pakialamero sa away namin.

"Sige! Subukan mo!" Sigaw naman nung blonde sa akin.

"Stop!"

"Isasabay talaga kita! Pati ikaw nang mawala 'yang nakaka bwiset mong ribbon!" Turo ko sa isang may ribbon sa ulo.

"Ugly face!" Ganti sa'kin ni Mini mouse.

Aba!

Pinilit kong makalapit sa kaniya para sipain pero masyadong malakas ang umaawat sa akin. "Mas panget ka, Mini mouse de leche!!"

"I SAID, STOP!!"

Napatigil kaming lahat sa pag sigaw ni Miss Celine. Nakita kong hinilot n'ya ang kaniyang sintido na para bang pinapakalma ang kaniyang sarili. "Sit down..." Bahagya s'yang tumigil. "ALL OF YOU!"

Umupo kaming lahat. Nakahalukipkip pa itong Gestia habang nakanguso dahilan para mapairap ako.

"What's the reason why did you fight?" Tanong muli ni Miss Celine at hindi naman nagsalita ang tatlo.

Inirapan ko sila bago nagsalita. "Narinig ko silang bina-backstab ako sa banyo." Sagot ko.

Kumunot noo s'ya. "Then? Wa-what did they say about to you?"

"Dahil kay Adrian." Diretso kong sagot na ikinakunot noo ng tatlo.

"Because you're flirting him!" Dugtong ni Gestia.

"Yah, nakita naming naghahalikan sila." dugton ni Mini mouse na mas ikinalukot ng noo ko.

"That's why we backstab this flirty betch!" Panduduro pa sa akin ni Blonde.

"Aba! Sumosobra kana sa malandi ah!!" Akmang tatayo ako para sugurin s'ya ngunit maagap ang aking nasa likod. "Bitawan mo'ko Dag! Aah!!!"

"Stop it Unique!" Sigaw ni miss Celine na ikinakalma kong muli.

"Haha stupid.."

PROTECTED BLACK TOPIATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon