CHAPTER 10

9 2 0
                                    

[UNIQUE'S POV]

Naudlot ang masarap kong tulog nang sumikat sa aking mukha ang liwanag. Ako ay napa arko dahil sa sakit ng aking katawan. Nakita ko ang mga braso kong may mga pasa at ang tiyan kong parang pinag saksak ng ilang beses sa sakit at naalala ko ang ginawa sa akin nina Reece.

Sakit ng katawan ko!

d>_<b

Hindi pamilyar na lugar ang bumungad sa akin. Isang napaka gandang kwarto, maputing kama na akala mo'y nasa langit ka, napakalinis, at amoy sampaguita ang buong paligid. Ngunit ako'y napatingin sa pinto nang may pumasok na tatlong babae. Nakayuniporme ito at hindi ako nagkakamaling maid sila. Ang isa'y may dalang pagkain, ang isa'y may dalang tubig at gatas, at ang isa nama'y may dalang damit.

Tahimik lang sila habang inilalatag sa mesa ang kanilang mga dala.

"Nasaan ako?" Tanong ko sa kanila.

"You're now steping Luxueir Mansion, maam. We should go." Yumuko silang lahat sa akin bago lumabas ng kwarto.

Luxueir?

Sino?

"Teka ate!" Tumakbo ako papuntang pinto at pagbukas ko ay bigla na lamang akong nakabunggo ng lalaking matangkad at naramdamang pareho kaming bumagsak sahig.

"Mr. Luxueir!"

"Mr. Dag!"

"Sir!"

Nagulantang ako nang marinig ang pangalan na iyon ngunit lalo akong nagulantang nang makita ang nakangiting Dag sa akin. Na-istatwa ako sa kan'yang kagwapuhan ngunit mas na-istatwa ako sa aking p'westo dahil malapit sa aking mukha sa kan'yang tumatambok na anoo hmmmm anooooo

birdy-birdy.

O______O!!

Gulp!*

"Sorry Dag!" Agad akong tumayo at humawak sa pisngi.

"Sir Dag!" Sigaw ng isang matandang lalaking akmang tutulungan s'ya pero agad ding sumenyas si Dag bilang pagtanggi.

"I'm okay." Nakangiting sabi n'ya bago tumayo at bahagyang lumapit sa akin. "Are you okay?"

Bakit na'ndito ako sa bahay ng mokong na 'to?

"O-oo, okay lang ako. Sorry talaga, hindi ko alam na nandiyan ka."

Pareho kaming napatingin sa sahig kung saan nakakalat ang aking bag. Kukunin ko na sana iyon ngunit inunahan n'ya na ako. "Naisip ko kasing dalhin kesa iwan ito sa room baka pagtripan."

Inabot ko ang bag ko. "Salamat."

Ngunit hindi mawala sa isip ko ang lalaking nagligtas sa akin kagabi.

>>__<<

Ibig sabihin siya yung lalaki kagabi?!

"Did you eat already--"

"Ikaw ba ang nagligtas sa akin??" Tila namaos ang aking boses pagkatapos kong itanong iyon.

Bumuntong hininga s'ya at bigla na lamang akong kinaladkad papasok ng kwarto. "Aray ha! Mukhang hindi ako nabugbog ah?!" Singhal ko.

"Who's behind yours?" Seryosong tanong n'ya.

dO;ob??

"Where do you work for? Anong sadya mo sa Mallavor?" Humigpit lalo ang hawak n'ya sa aking balikat.

PROTECTED BLACK TOPIATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon