CHAPTER 12 "Black Topia"
[UNIQUE'S POV]
Hanggang sa pagsakay ko sa motor ay hindi naalis ang pagkabahala sa akin. Hindi ako kinakabahan sa laban sapagkat kinakabahan ako kung baka sakaling malaman ni Mrs. Alvarez ang tungkol sa kalokohang kong ito.
"Uminom ka muna ng tubig baka mahimatay ka sa kaba." Nagyayabang na naman itong si Marga.
"You should wear this." Nilingon ko si Dag na may hawak na helmet papalapit sa akin.
"Sweet..."
Pairap na lumingon ako kay Marga. "Sa'yo hindi." Pagyayabang ko rin kahit mukha na akong isip bata.
Nginiwian n'ya ako. "Lets have a deal. If I win, be with me the whole day." Pagtutukoy n'ya kay Dag.
Tumingin ako kay Dag at nakita kong nagtititigan ang dalawa. "Then if you loose?" Si Dag.
"Edi panalo." Walang ganang sagot ko.
Naglalandian pa.
Nagsimulang ianunsyo ang aming paghahanda kaya pareho naming pinaandar ang makina ng motor bago isinuot ang helmet. Sumaludo ako kay Dag bago marinig ang 'go' na agad naman kaming humarurot sa pagmaneho. Kaming dalawa lamang ang naglalaban ni Marga pero mukhang mainit ang dating namin sa manunuod. Dinig ko ring mas sinusuportahan nila si Marga kaysa sa akin.
Minsa'y nagyayabang pa s'yang iangat ang kan'yang manubela habang umaandar. Hindi din ako nabibigyan ng pagkakataon na maunahan s'ya dahil hinaharangan n'ya ako. Hanggang sa dumating ang oras na dalawang ikot na lamang ay malalaman na kung sino ang panalo. Patas pareho ang aming lap pero mas tumindi pa lalo ang bilis ng aming pagmaneho.
Sinubukan kong maka overtake ngunit isa s'yang mapang-asar na laging humaharang sa harapan ko. Binigyan n'ya rin ako ng bad finger na agad ko namang ginantihan ng limang daliri.
Pero nagulat na lamang ako nang biglang pumutok ang gulong ng motor ko sa unahan. Narinig ko rin ang pag 'oohhh' ng mga tao kaya nakaramdam ako ng pressure dahil doon. Pero patuloy parin ako kahit na hirap akong kontrolin ang manubela. Bumabagal nga lang ang andar.
"Wag ngayon!" Inis na sabi ko.
Lahat na nagsisigawan gamit ang pangalan ni Marga dahil malapit na ang linya. Kahit na nasa 140kph ang bilis ko ay tumayo parin ako sa motor habang nakahawak sa manubela. Buong lakas akong tumalon para umangat ang gulong sa unahan. Nakatayo ang motor kong pinaandar iyon dahilan para maabutan ko si Marga. Narinig ko pa ang pagmura niya nang makita akong pumantay sa kan'ya.
Pero hindi iyon nagtagal, nakita ko s'yang ngumiti ng nakakaloko at lumipat s'ya ng pumwesto sa likuran ko. Napakunot ako dahil alam kong may plano s'ya at bigla ko naramdaman ang pagputok ng gulong ko sa hulihan. Nainis ako sa kan'ya sa sobrang dumi makipagkarera.
Wala na akong ibang paraan kundi ang ilagay sa max ang speed ng motor na ito. Wala na'kong nararamdamang kaldag kundi ang bibras'yon ng andar kahit na naririnig ko ang tunog ng napupunit na goma.
Hindi ako magpapatalo sa hinayupak na ito
d-__-b
Pumreno ako ng kaunti dahilan para mauna s'ya. Nakasunod lang ako sa kaniya at inantay makalapit sa linya. Hindi pa huli ang lahat sa palagay ko, aasa na lang ako sa swertehan.
Agad kong inangat ang gulong sa unahan at inilagay sa max ang speed. Oras na! Gamit ang bilis ng andar ng motor ko at gulong n'yang syang dahilan para pinalipad ako sa ere.

BINABASA MO ANG
PROTECTED BLACK TOPIA
AksiAdrian Expol Shiarces. Isa sa may pinakamataas na ranggo sa kanilang organisasyong ilegal. Leader ng unknown group, a mysterious man, at tinaguriang Batang Demonyo sa Pilipinas. Reece Aikima. Ang leader din ng unknown group na laging kaaway nina Adr...