CHAPTER 8

13 3 0
                                    

[MATHEW's POV]

Itinapon ko ang hinithit kong sigarilyo nang matanawan ko ang babaeng baguhan papasok ng gate ng Mallavor. Nakapamulsa akong sinalubong siya ngunit iniba niya ang direksyon ng paglakad pero hinarangan ko naman agad.

"Ano bang trip mo?" Supladang aniya.

Napangisi ako sa reaksiyon niyang nakakunot. Halata ngang baguhan lang siya sapagkat wala pa siyang nalalaman tungkol sa amin.

"Mathew Ronan." Inilahad ko ang aking kamay. Nakita kong kumunot siya at tinignan ako ng masama.

Ganito ba itong babaeng 'to?

--____--

Tinignan niya pa ako sa paa hanggang ulo bago ako kinunutan ulit. "Okay." Saka ako nilipasan.

Napangisi ako sa ginawa niya at ipinasok sa bulsa ang kamay kong hindi niya kinamayan. "Hindi ba maganda ang pagpapakilala ko, Unique?" Tumalikod ako upang makita siya.

Nakita kong humarap siya sa gawi ko. Nanatili parin siyang nakakunot na para bang sinasabing, 'ano bang sadya nito?'. Ganiyan na ganiyan ang ipinakita niyang reaksiyon kahapon.

"Hindi ako interesado sa'yo." Aniya at pinagpatuloy ang paglalakad.

!!!

Mayabang ang naramdaman ko sa ginawa niya kaya napangiti na lamang ako at sinundan siya ng tingin habang papalayo. "Pero maraming interesado sa iyo." Mahinang sabi ko kahit alam kong hindi niya na iyon maririnig.

"Dude, until when will you stand there?"

Nahati ang atensiyon ko nang marinig ang bagot na bagot na boses ni Lance. Natanaw ko na rin ang mga estudyanteng papalapit sa amin. "We need to go!" Sigaw niya at nagmadaling sumakay sa kaniyang sasakyan.

"Wait a second, wait a second." Nilipat ko ang tingin kay Unique na patuloy na naglalakad hanggang sa hindi ko na siya masilayan dahil sa mga papalapit na estudyante. Agad na sumakay ako sa aking sasakyan at pinaharurot ito.

"What?" Tanong ko nang magring ang aking cellphone pagkalabas ng Mallavor.

["He change the place. We're going to public market."]

Ibinaba ko agad ang cellphone at iniliko ang sasakyan patungo sa binanggit. Ngayon lang ako nakatagpo ng babaeng tinatarayan ako. Tsk! Ibang klase! Ngumingisi ako na parang hindi makapaniwala hanggang sa makarating ng publikong palengke.

Maingat na bumaba ako at nagbaka sakaling luminga sa paligid at wala naman akong napansing kakaiba. Bumukod tangi sa paningin ko ang kulay ng mga nagkikislapang mga tattoo ng mga maskuladong tauhan ni Boss. Sinalubong nila ako ng pasekretong saludo habang naghahati ng mga karne ng baboy. Sinuklian ko rin ang mga ito ng saludo. Nginitian ko rin si Lola Tisang habang abala sa pagtitinda ng mga bigas bago ako pumasok sa kaniyang tindahan at pasimpleng pinihit ang bukó ng pinto patungo sa aming teritoryo.

Binungad din ako ng maraming saludo ng mga armadong tauhan ni boss hanggang sa makarating ako sa main area. "Sup?" Bungad din sa akin ni Luis at nakipag man to man appear.

"The same ass, the same life." Sagot ko at binagsak ang sarili sa sofa.

"Hinahabol ka na siguro ngayon ng bala kung sakaling nauna pa sa iyo si boss." Aniya

Ngumisi ako. "Ass."

"Pfft... And where the heck is fuckin' Lance?"

Kumibit-balikat ako at tumingin sa alak na nakapatong sa kaharap naming mesa. "I don't care about that kiddo."

PROTECTED BLACK TOPIATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon