CHAPTER 4
[UNIQUE's Point of View]
"Kneel down on me o pasasabugin ko utak mo."
Halos mapasinghap ako sa lalaking sumulpot na lang sa likod ni Reece.
Mala diyos ang taglay nitong kagwapuhan. Isang mala adonis na tanging magandang dilag lamang ang nararapat sa kaniya pero napakunot ako ng noo sapagkat may hawak din itong baril at nakatutok sa bungo ni gagong Reece.
"Hahahaha! Hindi mo ako matatakot, Adrian." Umiiling na sabi ni Reece
So Adrian pala pangalan nito ni pogi.
Naagaw ang tingin ko sa mga grupo ng kalalakihang may gun&sword tatoo sa leeg at may mga hawak na din itong baril na nakatutok isa-isa sa grupong kasama siguro nitong si Adrian, pero mas marami sila kumpara sa grupo ni Reece.
"Alisin mo na nga iyang baril sa noo ko kung hindi mo pa ako kayang patayin!" Masungit na utos ko.
"May gagawin muna tayong masarap bago kita papatayin." Nakakalokong ngisi ang namutawi sa kanyang mga labi matapos niya iyon sabihin. Humagalpak naman sa tawa ang grupo niya maging ang grupo ni adonis na dahilan para mas mainis ako.
"Gawin mo, at nang pagsisihan mong ipinanganak ka pa ng nanay mo. Hoy Adonis!" Baling ko kay Adrian at kinunotan naman ako nito ng noo. "hehe alam mo palang Adonis ka pero pasabugin mo na nga ang ulo ng gagong ito ng makaalis na'ko dito."
Binigyan naman ako ng masamang tingin ni Reece pero binelatan ko lang.
"Sasabog muna ulo mo bago ko ito mabubura sa mundo." Malamig na sagot ni Adonis na ikinakunot ko.
"Ano?!"
"He said you're mine." Nakakalokong ngumiti sa akin si Reece saka sumenyas.
Nagulat na lamang ako sa lalaking sumulpot na naka brown leather jacket at kumasa ito ng baril at itinutok iyon sa ulo ni Adrian pero may mabilis ding lalaking nakapulang t-shirt na tinutukan din sa ulo ng baril ang sinenyasan ni Reece.
"Well. Well. Well..."
Lahat kami napalingon kung saan nanggaling ang boses na iyon at nakita ko ang isang lalaki na sa tingin ko ay nasa 75 yrs old na dahil may tungkod na ito. Ngumisi ito. "I thought this is school but now, a place of deaths."
Napatingin ako sa sa paligid at napansin kong lahat ng naandito ay umayos ng tayo at yumuko maliban lang sa dalawang tao. Si Adrian at Reece.
Napakunot ako sa ginawa nilang dalawa. "Wala ba kayong balak yumuko?" Bulong ko kay Reece dahil kaming tatlo na lang ang nanatili sa posisyon at hindi yumuyuko.
"It looks like Mallavor isn't your first school." Ngumisi siya sa akin na napakunot noo naman ako.
"Ano?"
Ngumiti siya. "If I tell you, you'll be in danger." Aniya.
"Anong in danger? Eh iyon lang naman tinatanong ko kung bakit sila nayuko tapos kayo hindi. Ang weird mo no?" Inirapan ko siya at bumaling sa matandang lalaki. Dinig ko ring tumawa lang siya sa sinabi ko.
"Have you all forgotten what you promise before you entered in this school?" Napalingon muli ako sa lalaking may tungkod na kinakausap na ang lahat
"..."
Pinalibot ko ang tingin pero walang sumagot.
"I know you have your own mind and world, I have nothing to do with that." Ngumiti ito at bumaling sa akin. "In a few years I've been here, you are not familiar for me young lady."
BINABASA MO ANG
PROTECTED BLACK TOPIA
ActionAdrian Expol Shiarces. Isa sa may pinakamataas na ranggo sa kanilang organisasyong ilegal. Leader ng unknown group, a mysterious man, at tinaguriang Batang Demonyo sa Pilipinas. Reece Aikima. Ang leader din ng unknown group na laging kaaway nina Adr...