[REECE'S POV]
"Himala, hindi ko maaninag ang mga anino ng mga loko."
Umiiling na saad ni Reid pagkarating ko ng hallway kung saan sila tumambay kasama ang mga miyembro ng aking grupo. Wala na ring masyadong tao dahil isang oras na ang lumipas nang magsimula ang mga klase. Saglit pang napangisi ako sa suot ni Reid na brown jacket. Sa pagkakatanda ko suot n'ya pa ito kahapon.
Pfft!
Umupo ako sa terrace bago sa akin itsahin ang pakete ng sigarilyo ni Gian. Mabilis na kumuha ako ng isa at nagsindi bago ulit ibinalik sa kaniya ang pakete.
Bumuga ako ng usok. "They're going to San Andreas." Sabad ko bago tumagilid ng upo at pinagmasdan ang ciudad ng Las Piñas.
"How did you know?" Dinig kong tanong ni Reid.
Humithit ako. "My father told me."
"I wish their plane will crash and disappear on the sky with them like, Booooh!" Isang pagsabog pang sound effect ang ginawa ni Reid bago tumawa.
Ngumisi ako at humarap sa kanila. "Hey, tell me you already have those fuckin infos about Matsu company."
"Tsk. Tsk."
Umiling si Gian. "Wash out boss." Bumuntong hininga. "Andoon kahapon ang magaling mong EX-bestftiend, nakikipag basag ulo sa mga tauhan ni Matsushima. Wala ngang itinira kahit ni isang inpormas'yon."
"That asshole.. kung hindi traydor, istorbo naman sa plano." Sabat ni Reid.
Ngumisi ako saka itinapon ang sigarilyo palabas ng bintana. Binuga ko muli ang natirang usok sa aking bibig. "Naghahanap siguro ng sakit sa katawan." Umiling ako.
"Pagbalik nila gawan natin ng matinding welcome fireworks." Mayabang na suhestiyon ni Reid.
"Pfft!"
"That was kinda crazy good idea." Puri ni Gian.
"Boss, nabalitaan namin na bumalik na sa Mallavor si Dag." Sabad ni Keith.
Ngumisi ako. "Let him. Alam kong may pinaplano s'ya para kay Adrian kaya siya bumalik at kung sakali, hindi na tayo mahihirapan gumanti kay Adrian."
"Woah! I can't wait." Sabik na ani Reid
Umiling na lamang ako ngunit napalitan agad iyon ng tuwa nang makita ang babaeng baguhan na naglalakad papalapit sa amin. "Hey stupid!" Sigaw ko sa kan'ya.
Nakita kong lumingon s'ya sa'min. Pero masamang tingin ang iginanti n'ya at inirapan niya pa kaming lahat bago muli naglakad. Ngm
"Ang bastos ng babaeng 'to, ah?" Pasigaw na sabi ni Reid pero hindi n'ya ito pinansin.
"Huwag kang maarte!" Sigaw ng ibang kasamahan ko.
"Hindi ka maganda! Hahahahhahaha!" Dugtong ni Reid.
Nakita kong umirap lang ang babae at naglakad ng mabilis. Agad na bumaba ako sa pagkakaupo at hinarangan s'ya bago pa man makalagpas sa amin. "Where do you think you're going?" Nakangiting tanong ko.
"Wala kana do'n."
Sinubukan n'yang lusutan ako pero hindi ako nagbigay ng pagkakataon. Sumenyas ako sa aking grupo upang mag-abang kung sakaling makatakas ang babaeng ito. "Ooops, there's no way." Nakangiting sabi ko.
"Paraanin n'yo nga ako!" Angil n'ya.
Ngumingiting tumikhim ako bago ko s'ya ikinulong sa aking mga bisig at isinandal s'ya sa pader. "You cannot." Nakangiting sabi ko.
BINABASA MO ANG
PROTECTED BLACK TOPIA
ActionAdrian Expol Shiarces. Isa sa may pinakamataas na ranggo sa kanilang organisasyong ilegal. Leader ng unknown group, a mysterious man, at tinaguriang Batang Demonyo sa Pilipinas. Reece Aikima. Ang leader din ng unknown group na laging kaaway nina Adr...