Journal Entry # 9:
Tug-of-war
(Denzel)
~+*+*+*+*+*+*+*+*+~
Hindi na naman siya pumasok sa klase niya. At hindi ko alam kung saan na naman siya napadpad. Hindi na talaga siya nagbago.
Halos libutin ko ang buong Isla sa paghahanap sa kanya. Kahit na inaabangan ko na nga siya sa bahay nila at maging sa entrance ng Isla, nagagawa niya pa ring makalusot mula sa mga paningin ko. Hindi na talaga nagbago. Masyado pa ring mailap.
Pero hindi rin nagtagal ay natunton ko siya sa gusaling katabi lamang ng gusali kung saan naroon silid niya. At sakto namang nakita ko rin doon si Paolo.
“Katulad ng inaasahan,” sabi ni Paolo noong nakita niya ako. Hindi ko siya pinansin. “Hindi mo na kailangang mag-abala pang pumunta rito, Denzel.”
“Hindi ba’t dapat sa’yo ko sinasabi iyan?”
“Tungkulin na naman ba ang ipinaglalaban mo?”
“Kung tungkulin din lang ang pag-uusapan, wala akong natatandaang ibinigay na tungkulin sa’yo para bantayan siya. Sa pagkakaalam ko, ang kailangan mong gawin ay layuan siya,” malamig kong sabi.
“Malaki ang pinagkaiba ng utos sa tungkulin. Utos lang ‘yun at hindi tungkulin. Maaaring manggaling sa iba ang utos, ngunit ang tungkulin ko ay iisa lamang at iyon ay sa kanya.”
Tiningnan ko siya nang malamig. Masyado niyang dinidibdib ang tungkuling ibinigay niya sa kanyang sarili, ngunit kahit anong sabihin niya, bale wala rin iyon dahil ang tungkuling iyon ay para sa akin lamang.
Matagal kaming nakatingin sa isa’-isa nang matalim hanggang sa napansin kami ni Mei-yumi. Katulad ng inaasahan, mabilis niyang sinubukang umiwas sa amin, pero hindi naman ako makakapayag doon. Kaya’t pagkatapos kong ngisian si Paolo, mabilis kong hinablot ang pulso ni Mei-yumi. Alam kong hindi siya hihilain ni Paolo dahil maraming estudyante sa paligid. Kilala si Paolo sa Isla at alam ng karamihan na meron na siyang kasintahan. Hindi niya gugustuhing ilagay si Mei-yumi sa alanganin kaya’t alam kong hindi siya makakagawa ng hakbang.
Kung iniisip nilang marumi akong maglaro, nagkakamali sila. Gumagamit lang ako ng estratehiya.
“Hey, what’s your problem?” tanong ni Mei-yumi noong kinaladkad ko siya papalayo.
“Wala akong problema,” sagot ko.
“Oh, wala pala eh. Let go of me na.”
Nginisian ko siya. “No. You’re coming with me.”
“Where? I have classes.”
Huh. “‘Wag mo akong linlangin, Mei-yumi. Alam kong hindi sa klase ang punta mo dahil nandito ka ngayon sa kabilang gusali.”
“Panira you ng trip eh, ‘no? I successfully made takas, tapos you’re making sira-sira lang? Cheh.”
Sabi ko na nga ba eh. “Kung hindi ka rin lang papasok, sumama ka sa akin.”
“Where?”
Isang ngisi lamang ang isinagot ko sa kanya.
~+*+*+*+*+*+*+*+*+~
“What the hell, Denzel? What gagawin natin here?”
“Matutulog.”
“Matutulog? Do you think makakatulog me here?”
“Gawin mo kung anong gusto mong gawin, pero hindi ka maaaring umalis.”
Dinala ko siya sa rooftop. Alam ko namang ayaw niyang pumasok sa klase niya at gusto niyang matulog.
BINABASA MO ANG
The Rainbow Saga (Book One): The Lost Journals
Adventure“Weaving a rainbow… weaving fate.”