Journal Entry # 17:
Team
(Denzel)
~+*+*+*+*+*+*+*+*+~
“I so don’t know why nadamay na naman my sacred being here!” reklamo ni Tristan pagkadating na pagkadating niya.
Bumuntong-hininga ako dahil alam kong magsisimula na naman silang mag-away ni Cymone. At hindi nga ako nagkamali. Sinugod siya ni Cymone at binatukan. Sa inis ni Tristan ay sinampal niya si Cymone.
“Hey, hey, don’t fight,” sabi ni Mei-yumi habang pumapagitna sa kanilang dalawa. Kumunot ang noo ko. Ang liit niya. Baka mapisa siya sa gitna ng dalawang higanteng iyon. Lalapitan ko na dapat siya noong padabog na tumalikod si Tristan at humalukipkip samantalang si Cymone naman ay tiningnan nang masama si Tristan.
Nagpamewang si Mei-yumi at tumingin sa akin. “So why are we here, anyway? I’m so nananahimik while watching and eating tapos you called and said may emergency. So what’s the emergency ba?” mataray niyang tanong sa akin.
“Huh, you’re just in a baboy mode,” bulong ni Tristan. Tumingin siya sa akin. “Oo nga, Yummy Boy, what’s your emergency ba? You miss me?”
Tiningnan ko siya nang malamig. “Just in case you’ve forgotten, you’re all here to serve your punishments for the troubles you did last sem,” malamig kong sabi.
Kumurap si Mei-yumi at napanganga naman si Tristan. Sabay-sabay na nagsalita at nagreklamo sina Thor, Toby, Andrew, at Cymone.
“Excuse me?” hindi makapaniwalang tanong ni Mei-yumi. “As in… punishments? FYI, I have been behaving lately!”
“Ako rin!” protesta ni Tristan.
“Kami rin kaya!” reklamo ni Andrew.
“Saka second sem na ngayon, ah? Anong kinalaman ng first sem dito?” nagtatakang tanong ni Toby.
“Malamang dahil hindi sapat ang buong first sem para pagbayaran niyo ang mga kalokohang ginawa niyo. Kulang na kulang pa ang sem na iyon,” sabi ni Kenneth habang nakatingin sa laptop.
“Aba! Eh ikaw, Labo, anong ginagawa mo rito? Kung ipapamukha mo lang sa aming wala kang kasalanang pagbabayaran, lumayas ka na!” sigaw ni Andrew.
“Boses, Andrew. Nandito si Kenneth at Paolo para tulungan kayo at maagang matapos ang gagawin niyo,” mahinang sabi ko.
“Hindi namin kailangan ang tulong nila!” sigaw ni Cymone. “O, ano? Ano na ba ang takteng ipapagawa mo? At saka bakit kami lang? Hindi lang naman kami ang nakagawa ng kalokohan sa buong Isla, ah?”
“Ini-grupo kayo,” sagot ni Paolo. “At kung may reklamo kayo sa grupo, kay Madam kayo magreklamo.”
Biglang ngumuso si Mei-yumi. “Madam? Who are you talking about?”
“Your mother,” sagot ko.
“What? Omo, this is a complete bull. I mean, I did behave last sem!” protesta niya.
“Ako rin!” dagdag ni Tristan.
Bumuntong-hininga ako. “Kung may reklamo kayong dalawa, kausapin niyo si Madam Gael. Nakarating sa kanya ang listahan ng mga kasalanan niyo at ang mga oras na hindi kayo pumapasok sa klase.”
“But she never minds my absences!” reklamo ni Mei-yumi.
May punto siya. Sa totoo lang ay hindi naman masyadong iniintindi ni Madam kung pumapasok o hindi ang anak niya sa klase kaya medyo nagtataka rin ako noong tumawag siya at sinabing isama si Mei-yumi at Tristan sa pagpapagawa ng parusa kina Thor.
BINABASA MO ANG
The Rainbow Saga (Book One): The Lost Journals
Aventura“Weaving a rainbow… weaving fate.”