Journal Entry # 12:
Amidst Raindrops & Bonds
(Denzel)
~+*+*+*+*+*+*+*+*+~
Kalmado lang akong nakatingin sa kanya. Tiningnan niya ako nang matalim. Bumuntong-hininga siya, ngunit hindi ako nagsalita. Tumaas ang isang kilay niya hanggang sa muli siyang bumuntong-hininga. “What the hell, Denzel? Why did you kidnap me?”
Tumaas ang dalawang kilay ko. “I didn’t kidnap you,” nakangising sabi ko sa kanya.
“Fine. You didn’t kidnap me, but you blackmailed me. Then you—”
“I just wanted to keep an eye on you,” mahinang sabi ko.
“Why?”
Ang kulit niya talaga. Ang sarap ibulsa. “Masyado kang maraming tanong,” sagot ko. Tumayo ako at sinundan naman niya ako.
“Tell me, Denzel Chen, who are you ba? Why palagi mo me sinusundan? I’m so nananahimik and I have a peaceful life, thank you very much,” sarkastikong sabi niya.
“Ginugulo ko ba ang buhay mo?” tanong ko. Muli akong humarap sa kanya, pero hindi yata niya inaasahan iyon at sobrang lapit lang pala niya sa likod ko kaya nabunggo siya sa dibdib ko.
“Ouch! My nose!” reklamo niya. Ngumisi ako at lumapit sa kanya. Agad naman siyang umatras. “Hey, what are you doing?”
Pinisil ko ang ilong niya.
“Denzel!” sigaw niya. “Don’t hurt my nosie!”
Muli akong ngumisi. Magkaibigan nga talaga sila ng binabaeng iyon. “Para kang si Tristan, sensitibo kapag natatamaan ang ilong. Baka naman pinaretoke—”
“This nose is natural! I never altered my sacred being!”
Huh? Anong kahibangan ang pinagsasabi niya? “Kailan pa naging sagrado ang pagkatao mo? At anong hindi binago? Anong tawag mo sa pulang buhok mo ngayon? Natural? Ang pagkakaalam ko, tatlo ang natural na kulay ng buhok mo. Tsokolate, olandes, at itim. Hindi ko alam na may tinatago ka palang kulay pulang buhok,” nakangising sabi ko.
“Fine. I only alter the color of my hair because it’s… it’s Art.”
Sining… hindi ko napigilang mapangisi. Katulad nga ng inaasahan ko. Iyon nga ang magiging sagot niya. Nagpatuloy ako sa paglalakad. Sinundan niya naman ako ulit.
“Dinala mo me here tapos iiwanan mo lang me? Where are you going ba? And why are we here?” tanong niya habang tumitingin sa paligid.
Tinatanong pa ba iyon? Kung sabagay… baka hindi niya naaalala. Pero ako… naaalala ko. Mahilig siya sa ganitong lugar. “‘Di ba mahilig kang maglaro? Maglaro ka na.”
Kumurap siya. “You’re making me play here? Sa playground?”
“Ayaw mo? ‘Di umupo ka na lang.”
“No, no, no. I wanna!” masiglang sabi niya. Napangisi ako noong tumakbo siya patungo sa slide. Umakyat siya doon at pumuwesto para bumaba. Kitang-kita ko sa mga mata niyang tuwang-tuwa siya. “Denzel! It’s so high pala.”
Mahilig pa rin siya sa matataas na lugar. Pumuwesto ako sa ibaba ng slide.
“What are you doing there? I’m going to slide na,” sabi niya.
“Kaya nga ako nandito.”
“Huh?”
“Para saluhin ka.”
BINABASA MO ANG
The Rainbow Saga (Book One): The Lost Journals
Adventure“Weaving a rainbow… weaving fate.”