Journal Entry # 20: To You I Belong

1.1K 51 4
                                    

Journal Entry # 20:

To You I Belong

(Denzel)

~+*+*+*+*+*+*+*+*+~

“Alam kong nariyan ka kaya kung ako sa’yo, lumabas ka na,” kalmadong sabi ko.

“Oh, prissy,” sabi niya. Lumabas siya mula sa likuran ng puno kung saan siya nakatago at sumunod sa akin papasok sa headquarters ng Draco. Takte. Ni hindi man lang niya tinanong kung anong lugar ito.

“Bakit mo ako sinusundan?” tanong ko.

“I’m not following you. I’m trailing you.”

“Hindi ba’t pareho lang iyon?”

“Wrong. Following is general. Trailing has a purpose.”

“And your purpose for following me is?”

Humalukipkip siya at saka lumapit sa akin. “Tell me the truth.”

Bumuntong-hininga ako. “Itatanong mo na naman ba kung sino ako at ang mga kasama ko? Akala ko ba ay hindi na iyon mahalaga sa iyo?”

Tiningnan niya ako nang diretso. “Nope. I’m not talking about that.”

“Eh ano pala?”

Diretso lang siyang nakatingin sa akin. “Denzel Chen,” sabi niya, “who am I?”

Hindi ako karaniwang nagugulat, pero sa pagkakataong ito, natigilan ako sa tanong niya. Halo-halong mga bagay ang sabay-sabay na sumugod sa aking isipan.

Anong ibig sabihin ng tanong niyang iyon? Ang ibig sabihin ba ng tanong niyang iyon ay… nagdududa na siya sa kanyang pagkatao?

“Anong ibig mong sabihin?”

“You know what I’m talking about,” malamig niyang sabi. “You definitely know what I am talking about.”

Matagal ko siyang tiningnan. “Bakit mo tinatanong sa akin iyan?” mahinang tanong ko sa kanya.

Tiningnan niya ako nang malamig. “Because I know you know something about it. You told me before—you know my story. So what is it, Denzel Chen? What is my story that you know about?”

Bago pa ako nakapagsalita ay may mga pamilyar na boses na sabay-sabay na nagsalita.

“Sabi ko sa inyo eh!”

“Sila iyon!”

“Malamang! Takte!”

“Naunahan kayo! Ang babagal niyo kasi!”

“Hindi kami mabagal. Sadyang mabibilis lang talaga sila. At iyon ang pinagtataka ko. Walang sinumang maaaring makahabol sa bilis ng dragon.”

“Bukod sa kasapi nito. Kaya malamang alam niyo na kung sino ang nasa likod ng kaganapang iyon.”

“Alam kaya ni Denzel?”

“Malamang.”

“Huh, whatever chever are you talking about? And ano ba? Why ba you’re calling me here pa? My plans were naudlot na nga tapos—”

“Heh, tumahimik ka, Bakla!”

Napapikit ako. Takte. Pagkakataon nga naman.

Agad napatingin si Mei-yumi sa akin. Isa-isang nagsipasok ang mga galunggong na dragon at isa-isa rin silang nagulat noong nakita nila si Mei-yumi.

Huling pumasok si Tristan na hindi napansing ang dahilan kung bakit natigilan ang mga dragon. “Ano ba? Why are you so bagal mag-walk and nakaharang sa—oh, my chever! What the chenelyn are you doing here, Yumi?” gulat na tanong niya kay Mei-yumi.

The Rainbow Saga (Book One): The Lost JournalsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon