Hindi ko nalang pianansin yung mga bulong bulungan nila. Ewan ko nga rin eh , at parang natameme nalang bigla yung paligid .
"pok"
"aray!"
nabukulan ata ako . may bigla kasing bumato sa akin ng bolang papel eh.
okay sobra na. di naman talaga bukol eh . hehe masakit lang . Paglingon ko naman dun sa taong bumato sa akin ay bigla nalang lumaki ang mata ko . Gulat na gulat nga ako eh . Bakulaw.
It cant be . Tapos tiningnan ko siya ng masama at yung bakulaw nginitian lang ako . Pagtapos nun ay pinulot ko naman kaagad yung bolang papel na pinambato niya sa akin kanina. Siyempre di ako dapat mag pautang ano? dapat mabato ko rin siya . Hinanap ko na yung bolang papel na saka pinulot ito sa di kalayuan . Haist. ang layo naman kelangan ko pa tuloy tumayo para lang mapulot yon.
Lagot ka ngayon sa akin . Sisiguraduhin kong mas malakas ang pagbato ko sa iyo kumpara nun sa pagbato mo sa akin . Siyempre , it will be my revenge for him na iniwan ako kanina na di man lang tinulungan matapos niya akong banggain . Ibabato ko na sana sa kanya ang hawak kong papael ng napansin kong parang may kung anong nakasulat dito , kaya binasa ko muna siyempre na cu-curious ako eh , pagkatapos ko namang basahin yun eh mukhang nag aalinlangan na tuloy akong ibato yun sa kanya pabalik , siyempre sino ba naman ang hindi makokonsensya kung gagawin ko yun pagkatapos ng nabasa ko sa binato niyang papel sa akin .
eto kasi naka sulat .
" hi mysterious girl , sorry kanina ah. may humahabol kasi sa akin kaya di kita nagawang tulungan .sorry talaga"
nagulat talaga ako pagkabasa ko nun . Tingin ko tuloy ang sama sama ko ng tao , for judging someone too early . Di naman pala siya ganung tao eh.
Umupo ako ng maayos , tapos kinuha ko yung ballpen ko sa bulsa ko saka nagsulat sa likuran ng papel na pinambato niya .
teka . tama ba ito ? tiningnan ko ulit yung gwapong bakulaw sa likuran tapos nakita kong nakangisi lang yung gago . Oh wait . he looks familiar on me. Teka , saan nga ba? Di ko na maalala eh. Ewan.
Ibabato ko na sana yung papel pagkatapos kong i crample ulit pero parang nagdadalawang isip ako . wag nalang kaya .? kahiyahiya naman kasi ng sinulat ko . baka pag nabasa pa niya yun sabihin nyang feeling close ako masyado . hmpfft.
Ewan kung anong pumasok sa isip ko at tiningnan ko siya ng masama ng napansin kong kanina pa siya nakatitig sa akin . Okey . nakatitig nga ba siya sa akin o assuming lang talaga ako masyado? hays. siguro nga naman hindi . wahahaha . haler nasa harapan nga ako diba ? alangan naman umiwas siya ng tingin sa akin banda kung gayong nasa harapan yung teacher namin? . Assuming much!
pagkatapos nun , eh boring na . Sino ba naman kasi gustong makinig dun sa mga classmates kong nag iintroduce ng name nila pero kala mo naman sila lang mag isa sa loob ng room ang liit kasi ng boses eh nakaka antooooooook. Hays.
"KYYYYYYYYAAAAAA ! ! ! ! !"
Aray ko naman ! ang sakit sa tenga nun ha.
"KYaaaaaaaaaa! ! ! ! "
loko tong mga toh ah. nananadya yata . Akala ko ba stricto itong prof namain , narinig ko kasi kanina sabi nila na istricto at masungit raw tong prof namin sa psycho kasi nga may pagka half raw , ewan ko nga rin anong ibig sabihin nila dun sa half eh, basta narinig ko lang .pero bakit parang walang nag aawat sa kanila??
"KYYYYaaaaA!"
Okay . wala nga . ano ba meron bat biglang naging maingay , eh antahimik nun kanina ah , ayan nawala tuloy antok ko bigla .