Phew! ang init! sabi ko sa sarili ko sabay pahid sa pawis kong tumutulo. Yaks.
Andito kasi ako ngayon sa bench na inupuan namin ni Darryl kahapon. Diba nga napag usapan namin na magkikita kami ulit dito ngayon para sa preperation thingy na yun?
"Hays! ang tagal naman ng taong yun!" halos 5 minutes na akong naghihintay dito pero hanggang ngayon wla parin siya. Bandang 2 ng hapon kasi kami magkikita pero anong oras na? Sa lahat pa naman ng pinaka ayaw ko ay yung pinag hihintay ako. I really hate waiting even just a single minute.
Naghintay pa ako pero hindi ko na talaga kinaya. Okay medj mainipin ako pero ayoko talaga na pinahihintay. Aalis na lang sana ako dun ng bigla ko nalang narinig na parang may tumatawag sakin.
Lumingon lingon ako sa paligid. " (o (o_O) o)"
Pero mission failed! Wala naman akong nakikitang lalake sa paligid ko eh. Este meron pala pero paniguradong hindi si Darryl yun. But wait! Ayan na naman!
'Diane! Bhessy!'
Si Darryl? Si Darryl ba yun? Tinatawag niya akong bhessy?
'Diane! Bhessy!'
Eh bakit parang boses yun ng isang babae? And it sounds so familiar to me!
"Bestfriend!" Lumingon ako sa paligid at nagulat ako nang makita ko kung sino yung tumatawag sa akin, si Bless Anne.
"Blessy!" sigaw ko sabay takbo naman sa direksyon nya tapos ay pabuhat na niyakap ko sya.
I'm so happy that now she's here. Akala ko hindi ko na siya makikita pa ulit.
"Bruha ka namiss kita ah!" sabi nya sa akin ah este I think the right term for it is 'sigaw'.
"Mas bruha ka! At mas miss kita!" And then naiiyak na ako. "Akala ko pa naman hindi ka na babalik dito. Akala ko pa naman talagang iniwan mo na ako."
"Pwede ba yun? Diba I promised to you na babalikan kita no matter what and at any rate sabay tayong mag-aaral dito sa school niyo. And take a look" sabi nya at umikot pa sya para ipakita sa akin ang gusto niyang makita ako and sad to say invisible yun kaya di ko nakikita. HAHA! joke!
Hindi ko lang talaga kasi ma point out eh kung anong ibig nyang sabihin na tingnan ko raw. Medj slow.
"Alin diyan?" I confusedly asked at hula ko sampung hagdanan ang pagkunot ng noo ko. Sumimangot sya bigla na kala mo naman siya si Sakura ng Naruto.
"Kyaa!"
"Aray naman! Bakit moko sinipa!?" giit ko sabay hawak sa pwet kong sinipa niya bigla. Wala man lang akong kamalay malay na gagawin niya yun sa akin. (T_____T")
Pareho kasi kaming brutal nitong bestfie ko eh. HEHEHE. Pero itong bruhang ito hindi parin nagbabago at hanggang ngayon sinisipa parin niya ang pwet ko. Kapag nagka muscles tong pwet ko malamang siya ang dahilan at dapat siya ang sisihin. Taekwondo girl kasi sya nung High School kaya kaya heto tuloy ang sakit sakit ng pwet ko. (T_T)
Paniguradong kawawa ang magiging boyfriend niya. Asahan mo ng yayaman ang tagahilot pagnagka boyfriend yan!
"You're so slow!" sabi nya. Slow pala ha!
"Tssug!"
"Aray!" napasigaw siya.
HAHA! Baka nakakalimutan niyo brutal din kaya ako noh! Kung yayaman ang tagahilot ng dahil sa kanya. Ako naman mapapa-aral ko na ang anak ng taga benta ng yelo na ginagawang panggamot ng bukol sa bawat taong binatukan at babatukan ko pa! ^_^
"I mean take a look" she said pagkatapos niyang hipuin ang bukol niya sa ulo tapos umikot ikot pa talaga ulit siya. Parang si Cinderella lang ang drama.
At dun ko lang napansin na. . . .
The thing that she wants me to see. . .
"Bruha!" natuwa ako sa nakita ko at dahil sa sobrang tuwa ko napayakap ako sa kanya. Bakit hindi ko nga ba napansin iyon?! Siguro nga tama siya SLOW ako. -_-
"Ano ka ba! mamamatay ako niyan! Hindi ako makahinga!"
"Oops! sorry. Ikaw kasi eh, you making me so happy!" sabi ko sabay alis ng yakap sa kanya.
Napansin ko na kasi kung anong gustong ipakita sa akin ni Blessy kanina pa. At oo, super! Talagang nasorpresa niya ako. And guess why/what?
It is because she's wearing the schools uniform which means dito na siya mag-aaral sa school namin. Ang saya!
Ang lungkot lungkot kasi ng buhay ko simula nung umalis siya at nagpuntang America. Ah mali lungkot lang pala. Kasi pag ang lungkot lungkot exage na yun! parang namatayan lang! Simula pa nung High School mag bestfriend na kami pero nung 4th year lang talaga kami pinalad na mag kaklase. Sa panahong yun ang saya pa namin. Ayan tuloy nakakamiss ang High School memories naming dalawa. Ang dami kong pwedeng ikwento sa kanya.
Pero sobrang nalungkot talaga ako nang malaman kong aalis siya ng Pinas at pupunta ng America at maiiwan niya ako. 4th year high school kami nun at mag fo-fourth grading na nuon. It was really an emergency. Pero days later nalaman ko nalang na kailangan na niyang kumuha ng early exam kasi nalalapit na yung pag alis niya. Kaya obviously hindi siya nakadalo sa graduation namin. Panay iyaka ko nun sa stage kasi ako pa naman ang valedc nun habang nagbibigay ako ng speech ko. Binalak ko ring sundan siya sa America but dad insisted me not to. At isa pa we lost our communication that moment and I didn't have the chance to know saan sila sa America. Alangan naman libutin ko ang whole US? Haler! Like, ang laki kaya ng US!
Kaya naman ang laki ng ngiti ko ngayon knowing she's here with me na at sabay pa kaming mag aaral dito sa school ko.
Yes! . tama po ang basa niyo. School KO. Pero shut up lang po kayo ha! wag po maingay.
Ganito po kasi yun. i don't want to become more popular at mas gusto ko itong buhay ko ngayon. Where I'm free. . simple lang. . no cameras around, no authographs at walang nakakakilala masyado. At yung STA thingy? Naku! wag kayong maniwala dun!
Parte lang yun ng pagpapanggap ko at para narin walang maghinala na may kaya ako. Sino ba naman ang makakapagsabing ang STA na katulad ko ay ang nag iisang anak ng may ari ng isang sikat na university all over the world. And Yes! My dad named Mr. Dherick Jaranilla.
And yes he's my dad (paulit ulit?). I'm a pure solid/liquid blooded by Jaranilla too. At yung Albesa thingy? It was only a part of my disguise. And my real name is 'DIANE JARANILLA'
Pero shut up lang kayo mga prends ha. Ang sino mang magbubuko sa akin ipapaterminate ko sa dad ko. Akala niyo joke to? I'm dead serious.
Sikat at kilala ang school namin not only here in Philippines pati narin sa iba pang mga bansa. Kung tama ang pagkaka alala ko isa ito sa nag top 3 exclusives univertsity sa buong mundo.
The school is named Central Palace University. School of models.
And yuhp.
I'm a model, kaming dalawa ng bestfie ko.
Hindi pang commercial model ha but as a cosplay. Astig ba?
Yes! I love cosplaying. And my favourite character is "Mysterious girl"
Kaya wag na kayong magtanong kung bakit sinabi kong people called me on that name, sa mga taong nakaka alam that I'm cosplaying. Pero without a make up and a cosplay suit no one will ever know that I was her.