.
Binilisan ko na ang paglalalakad ko papuntang canteen. Dalawang sandwich at bottle juice lang ang binili ko at siyempre binabalak kong ibigay kay Chan Lee yung isa. I know hes hungry, kaya minabuti ko ng dalhan siya ng pagkain masyado kasi yung matipid sa sarili nya at halos di na kumakain.
"Lee. heto oh" sabi ko sa kanya sabay abot nung sandwich pero parang nagdadalawang isip siyang tanggapin ito.
"Tanggapin mo na, wala namang lason yan eh" I said to him sabay tawa, ngumiti naman siya sa akin at inabot na niya yung pagkain.
"thanks Diane, nag abala kapa" umiling pa ako nun pagkasabi niya.
"youre welcome, siyanga pala tingin ko. Ako ang kelangan at dapat na mag sabi sa iyo ng thank you for giving me comfort nung open forum" yun lang sinabi ko . di ko na siya hinintay pang sumagot. Tahimik lang naman kasi siyang kumakain ng sandwich niya at isa pa baka ma late narin ako sa trabaho ko sa office. Nagulat nga ako at napalingon nang bigla niyang tawagin ang pangalan ko at nagsalita.
"diane...you dont deserve to be hurt by anyone. I'll just gave you the comfort that you need, and i meant a sorry for it." nagsmile naman ako sa kanya nun pagkatapos ay nagpaalam na ng tuluyan.
Sobrang napagod talaga ang katawan ko ngayong araw. Kaya pagkauwi ko ng bahay di na ako kumain. Dumiretso lang ako sa kwarto ko at dumampa na. Nag iisip lang ako ng mga bagay bagay . Katulad nalang nung sinabi sa akin ni Lee kanina.
"...you dont deserve to be hurt by anyone. I'll just gave you the comfort that you need, and i meant a sorry for it." haist. ang gulo naman ng sinabi niya . Zzzz. tapos nun ay nakatulog na nga ako .