Pag-Uwi

697 32 3
                                    

PASADO alas nuebe ng gabi, dumating nga si Dodong Puti sa Corazon. Mas litaw na ang gandang lalaki ng loko. Nakatulong ang pagkinis ng balat at matinong bihis. Hindi na mukhang yagit ang nag-iisang lalaking nagbigay ng atensiyon at respeto sa akin sa San Roque. Ang nag-iisang lalaki na hindi pangit na negra ang tingin sa akin. Ang crush ko noon na si Ate Cacay naman ang gusto.

Pagkababa niya ng kotse, ngiting-ngiti na sinugod ako ng yakap.

Si Ate Mimay ang kinilig para sa akin.

Hindi nga lang siya ang nag-iisang dumating nang gabing iyon. Wala pang kalahating oras, nasa sala pa kaming lahat at nagbabalitaan ay dumating naman si Sir Rolf.

Nagulat kaming lahat—lalo na ako. Iyon ang unang pagtuntong niya ng Corazon mula nang mamatay si Sir Amante noong isang taon.



NAGKATINGINAN kami ni Ate Mimay at parehong nakaawang ang bibig nang diretsong pumasok si Sir Rolf sa sala. Si Kuya Aldrin na hindi pa nakakaalis ay mabilis na lumabas para kunin ang mga gamit ni Sir Rolf sa sasakyan.

"Wala kang nabanggit na sa Tagaytay kayo pupunta, Mimay," malamig na sabi ni Sir Rolf.

Hindi ako nakakilos. Parang biglang freeze. Hindi ko na rin maalis ang tingin ko sa kanya. Wala namang gaanong nagbago liban sa bahagya siyang pumayat at walang sigla ang kilos. Nasa anyo na may pinagdadaanan pero guwapo pa rin. Guwapong-guwapo pa rin. At gusto kong saktan ang sarili na ang gusto kong gawin nang sandaling iyon ay lumapit, yakapin siya hanggang mapawi ang pagod.

Napalunok ako at agad na binawi ang tingin. Baka makalimot pa ako.

"Na-excite ako, Sir Rolf," paliwanag ni Ate Mimay. "Mamamasyal kami. Soul searching ba! Kaya...kaya hindi ko na nasabi. Sorry po..." at sinulyapan ako ni Ate Mimay, sinasabi ng tingin na: Lagot na,Daday. Mukhang bulilyaso pa ang gala natin.

"At ikaw, Maria Adelaida," bigla akong napatingin sa kanya pagkarinig ko sa pamilyar niyang pagtawag sa akin. "Ano'ng ibig sabihin ng note na iniwan mo? Aalis ka na? Thank you?" Nagtama ang mga mata namin. Agad akong nagsisi na tumingin ako sa mga mata ni Sir Rolf. Hindi ko na nagawang sumagot pa. Hindi na ako nakaapuhap ng salita sa isip. Ang nagawa ko na lang ay titigan ang mga matang nami-miss ko. Ang tagal na nang huli kong natitigan ang mga matang iyon...

"U-Umalis nga ako, Sir Rolf," ang nasabi ko nang sa wakas ay makabawi. Kailangan ko lang palang alisin ang tingin sa mga mata niya. "Para umuwi rito..."

"Thank you?" balik niya, humakbang patungo sa akin. Nag-iba ang kabog sa dibdib ko. Nagawa ko pala nang tama ang plano. Gusto kong iba ang maging pagtanggap niya sa mensahe—na aalis na ako sa condo at hindi na babalik.

"Thank you sa...sa ano..." nang-apuhap ako ng sasabihin. Nadi-distract ako sa paisa-isa niyang mabagal na hakbang palapit sa akin. Pakiramdam ko ay hindi ako makakahinga kapag nakalapit siya pero hindi ko rin gustong umatras palayo. Iba't-ibang eksena na ang nakita ko sa isip. Mga eksenang magkasama kami bago namatay si Sir Amante...maayos pa ang lahat noon. Nakakapag-usap pa kami.

At ang halik na gumulo sa buong mundo ko...

Ang parehong halik na naging huling magandang eksena na sa pagitan naming dalawa. Kung ano'ng nangyari pagkatapos? Hindi ko na alam. Tuluyang gumuho na ang isang magandang pantasya at sinampal sa akin ng realidad na mali ang nabubuhay na pag-asa sa puso ko.

Kanina sa biyahe namin pauwi ni Kuya Aldrin, habang iniisip ko ang mga sinabi ni Dodong Puti ay may na-realize ako. At ngayong nakikita kong humahakbang palapit sa akin si Sir Rolf, naisip kong tama pala ang mga naisip ko kanina sa kotse.

Nagmamahal ako. Nagmamahal ako nang tahimik. Nagmamahal ako ng isang lalaking hindi para sa akin. Alam kong masasaktan lang ako pero gusto ko parin na mahalin siya. Hindi ako maghihintay ng katugon. Gusto ko lang magmahal. Gusto ko lang siyang mahalin—maging napakasakit man iyon.

Si Santa at Ako (Published. 2015) PREVIEW ONLYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon