Chapter 1: Start

38 1 0
                                    

01-04-18

Dear Diary, unang araw ko pa lang malas na agad. Sukatin ba namang magpapasa na sana ako nang completion kaso napurnada pa.

Hays, minsan nga naiisip ko na lang na itake ulit yung subject na nabagsak ko.

Nasasayangan lang kasi ako sa oras, kaya kahit ang daming pinagdadaanan inaayos ko talaga siya.

Yung feeling na para kang nasa hot seat kanina habang kausap mo or should I say kaharap yung taong kailangan mong kausapin.

Tae sobrang kaba doon kanina, akala mo may humahabol saking isang daang kabayo. Lakas pa nang tibok nang puso ko, akala mo isang maling galaw pa at lalabas na sya sa ribs ko.

Sa ngayon umaasa parin talaga ako kahit na wala talagang forever sabi nila, ewan ko na lang sa iba. Kanya-kanyang buhay naman to men.

"Masasaktan ka lang!" Sabi nang ilan.

May iba namang,

"Huwag ka nang umasa, wala ding mangyayari diyan!"

"Wala ka nang mapapala diyan, sukuan mo na yan!"

Puro hugot sila diba?

Di yan hugot, totoo iyan. Try and tested na kasi nila yan kaya nasasabi nang karamihan sa atin.

Mahirap naman kasi talagang umasa. Wala kang kasiguraduhan at pinanghahawakan. Tanging sarili mo lang ang sadyang niloloko mo o naloloko mo.

Pero sa sitwasyon ko hanggang ngayon, umaasa pa rin ako. Umaasa akong maayos, maayos dahil sa gumawa ako nang paraan.

"Paraan kung saan alam kong may patutunguhan at pupuntahan."

GEMINI

-----
SavemeAlone

Gemini's DiaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon