09-30-18
Dear Diary, kamustahin mo naman kung okay lang ako. Kasi sa totoo lang Hindi! Bakit? Nagsabay-sabay na sya, sobra-sobra na. Super Pressure! Wala naman akong powers para kayanin lahat.
Kakagaling ko nga lang sa sakit tapos ganito!? Kaiyak, sobrang nangangayayat na din ako. Parang di na ako, parang biglang nag-iba boom kaboom! Naging tingting sa sobrang stress, lutang ang utak pati tulog di na maayos. Hay buhay, weather weather lang. Baka pwede mo ako ambunan nang swerte sa buhay?
Sila nagpapakasaya. Happy-happy! Eh ako? Heto nagmumukmok di naman alam kung anong gagawin. Hindi naman kasi talaga effective yung saying na "Just go with the flow" bakit sumasabay naman ako ah, nakikiayon! pero kulang pa rin. Meron paring insecurities sa katawan. At hangga't hindi ako bumibitaw doon habambuhay na gugulo sakin yon. Madali lang sabihin dahil sa iba ka, hindi kasi ikaw yung nakakadama nang nararamdaman ko! higit sa lahat diary kita at magkaiba tayo.
Pero alam ko na habang sinusulat ko ang pahinang ito, nandiyan ka para pagaanin ang loob ko.Kasi sa totoo lang nahihirapan na ako, parang biglang nagkalindol tapos di agad ako nakatayo pagkatapos. Ganon iyong feels ko, parang back to zero at ang sakit kasi narating ko na to, nandito na ko eh. Malapit na ko sa finish line pero natapilok pa. Ang tanga diba? Ang laki-laking tanga parang temple run.
Konting kembot na lang teh eh! Di mo pa keri! Keriboom-boom lang daw dapat sabi nang mga beki nating friendship. Madaling magsabi sa iba pero ikaw sa sarili mo hindi mo kaya. Siguro kasi doon ako mahina, hindi ako marunong makipag-usap nang iuungkat ko iyong problema ko tapos isi-share sa iba. Kumbaga may limit ako sa mga dapat sinasabi at sasabihin sa iba.
Nadala na ako based sa experiences ko sa pagsasabi nang secrets! Pinagkakatiwalaan mo pero ipinagkatiwala din sa iba nang taong pinagsabihan mo nang lahat-lahat. Sad no?
Pero alam ko tragic man may solusyon pa rin basta may tiwala lang. Kakapanood ko nga lang din pala sa comeback ni bebe Avril Lavigne. Shookt is me! Galing-galing niya parin, tapos nakakatouch yung story behind the song. Bumalik iyong vibes nong high school days. Ngayon ko lang nalaman na kaya pala siya nawala sa industry ng musika for 5 years is because she is fighting for her life against lyme disease. I hope she gets better and better same as to other people na pilit lumalaban para sa buhay nila. Lakas nang fighting spirit niya nakakainspire.Kudos to you bebe.
Sana ako ganyan din!
GEMINI
-----
SavemeAlone