03-20-19
Hi Bebe ko! Kamusta? Matagal-tagal na rin simula nang makapagsulat ako dito ulit. Nakakamis ka parin talaga, kaya binabalik-balikan at hinahanap-hanap. Sana sya din namimis ako at hinahanap. Charot! Wala pa nga akong love life. Kailan ba kasi? Parating na kaya siya? Ano kayang hitsura niya, matangkad ba, maitim, maputi, moreno. Hays! Pumepegebeg na naman kahit wala pa talaga. Imagination ang limit!
Heto kasalukuyan akong nakaupo sa kama, tapos nahiga kasi nakaramdam na nang pagod. Hahaha lololol~
Bukas na nga pala retreat na namin. Nakakaexcite na di ko malaman, para kasing normal na byahe lang mangyayari bukas. Nacucurious tuloy ako kung totoo ba talaga iyong mga sabi-sabi na kapag graduating ka di dapat nag-aalis nang bahay kasi may mangyayari daw na di maganda or worst aksidente.
Sana naman gabayan kami nang Diyos sa darating na retreat at huwag niya kaming pababayaan sa kung ano pa man mangyayari bukas. Tsaka alam ko naman na hindi siya aalis sa tabi nang bawat isa. Naniniwala ako don, cause I know everything comes with God. Even if it is a trial or a bad day or something na nakakapagpadepress sa bawat isa. Sabi nga nang cell leader ko na "Never ginusto o gumawa ang diyos na ikakapahamak nating lahat." Oo nga naman diba? Tagapag-ligtas natin siya so anong magiging reason niya para gawin ang mga ganoon kung sakali man.
Kaya lab na lab ko si Lord. Never siyang naging makasarili. Sana ikaw din?
Isang bag lang dinala ko, samantalang iyong iba kong kasama nakamaleta. Akala mo mangingibang bansa o di na uuwi sa kanila sa sandamakmak na dalahin. Hahaha! 3 days lang naman yun e.
Nakaready na din iyong gamit ko kanina pa. Kanina lang din ako nakapaglaba nang mga kakailanganin. So ayun! Nagpapatuyo ang mga damit sa sampayan.
Kailangan ko pang bumili nang toiletries bukas. Sabon tsaka shampoo meron na kaso yung toothpaste ayoko naman kasi magdala nang napakalaking lagayan kaya bibili na lang ako sa tindahan para maliit lang tsaka para may space at kakasya pa.
Maaga din call time! Pero heto ako't alas-dose mahigit na pero gising pa din. Bebengga na naman ako nito bukas. Puyat mode-on pa! Di naman kaya.
Di kasi talaga ko nakakatagal nang walang tulog. Kung magpupuyat man ako kailangan bawiin yung pinagpuyatan. Ewan ko ba! Ganoon ang sistema ko.
Ah tama! Meron pa pala kong ikwekwento kaso mukhang b-i ako nito sa inyo e. Partida kasi nag-aya nang inuman mga taga-kabilang section(ex-classmates kasi lumipat na ko nang section) so ayun medyo malapit lang naman yung bahay nila sa amin. Kayang-kaya na lakarin lang mula sa amin. Pero nasa school ako noong mag-aya sila ah, pero wala na akong klase non. Una kasi non syempre punta muna kaming bilihan nang kakainin tapos yung pang-inom na din. Pagdating namin sa kanila okay okay pa e. Naglalaro pa kami nang sa may barya eme, yung may bangka tapos pataasan. Dapat matataasan nyo yung bangka niyo para maubos pera niya. Hahaha. Iba din e no?
Tapos maya-maya syempre habang nainom laro din. Nahihilo na talaga ko promise! Pero alam ko nangyayari sa paligid ko. Kilala ko sino kinakausap ko, tapos maya-maya lang. Ay naku po! Gusto kong umidlip at humiga, kaya ayun nahiga ako sa sahig kahit malamig at walang unan. Feel at home kahit hindi ko bahay. Tapos tae ba naman, nasusuka na ko non. Diretso ako sa lababo nila e. Dami kong sinuka, puro pa ko sabi nang sabi na kadiri tsaka nakakahiya sa kanila. Kasi diba mabaho naman talaga iyong suka.
Tapos ayun naalala ko konti lang pala kinain ko na kanin bago uminom. Kaya ganon epekto ang bilis. Tapos may suka pa na sawsawan kanina kaya nagdagdagan.
Ilang oras akong puro suka lang ginawa sa lababo. Kulang na lang doon na lang lagi, tapos hugas ako nang hugas nang mukha para mahimasmasan. Yari ako pag umuwi akong lasing. Malilintikan ako sa bahay, baka puro sermon na naman abutin ko. Kawawa naman ako pag nagkataon, kaya ayun hugas nang mukha is life.
Noong pauwi na kami, kasi nag-ayaan na magsi-uwian na. Medyo okay okay na ako, di na gaanong hilo. Pero iyong kasama ko, nakakatawa paglabas nang gate bigla ba namang humiga sa kalsada. Ay napakagaling na bata! Kung ikaw nasa sitwasyon naming lahat matatawa ka din. Para talaga siyang bata, ang kulit-kulit ayaw makinig. Tapos naiihi daw siya, e naglalakad na kaya kami non. San siya iihi di ba? Loko-loko talaga. Tapos nagdrama pa iyong boypren nang kaibigan ko na may-ari nang bahay. Sabi kasi daw sa kanya, ang kuli-kulit niya daw kasi. Ayaw na siya kausapin. Tapos sabi nang frenny ko di naman daw siya lasing. Basta! Nakakatawa talaga pag nandoon ka sa scene. Daming ganap! Pang-kdrama at teleserye sa tv. Wahahaha.
Nakauwi naman kami ng maayos noong time na iyon. Nakapagselfie pa nga ko at nagmyday, tapos iyong frenny ko nagcomment pa "parang hindi lasing ah." Natawa ako pagkakita ko e. Loko talaga.
Ito na lang muna sa ngayon ang maisusulat ko Bebe ko. Abangan mo na lang sa mga susunod kung may susunod pa. See yah! B-bye! Good mornight.
Love you all :)
GEMINI
-----
SavemeAlone