10-13-18
So here I am...
Dear Papa Dudot, charot HAHA!
Hi Diary, Intro pa lang yan, mapapaiyak ka nang balde mamaya. Ihanda ang tissue at panyo, pag wala dyan damit na lang. Oks na yan sanayan lang talaga.
Kanina nga naiiyak na ako e, pinipigilan ko lang talaga siyang tumulo kasi nakakahiya. Nasabihan pa nga akong parang batang nawawala kanina. Ang sakit lang, patong-patong. Walang lugar yung makapag-isip ka muna nang maayos. Ang sakit sa heart be! Na-attitudan ka pa nang mga nadoon.
Tapos para na talaga kong tanga kanina, ligwak ganern! Mukhang buang na hindi malaman ang gagawin. Parang naiwanan nang jowa kahit wala naman. Ang saklap nang life, more on pasakit!
Kahit paulit-ulit mong kalimutan, hinding-hindi mawawala. Mapapakanta ka na lang talaga nang "napakasakit kuya Eddie.." tapos may head bang na kasama. Try mo nga! Damayan mo naman ako, hindi iyong ako lang yung ganito. Hindi sa gusto kitang matulad sakin, kundi gusto ko lang na may makaalam nang nararamdaman ko. Ang toxic na kasi talaga sa pakiramdam, parang anytime magbi-breakdown na ako isang kalabit na lang nang gantilyo.
Nilapitan din pala ako nang isang kakilala ko kanina, nakakagaan kahit papaano na malamang may tao pang concern sayo kahit simpleng pagsabay lang yun. Parang medyo nabawasan yung bigat, kahit na puro jowa din sya! Tapos nasa dyip kami sumakay nasa harap ko mag-jowa katabi ko magjowa. Ako na lang ba walang jowa? Jowable din naman ako ah. Charot! Weg keye baka may mainlove sakin dito! Sabihin paasa pa ako. Ay Ganda! Haha.
Nakukyutan din pala ko don sa may asong kasama nong magjowa sa dyip tapos may hamsters pa. Cute cute lang! Tingin nga nang tingin sakin yung aso e. Nainlove na din yata sakin. Paano ba yan, haggardo versoza pa ako non. Yieee ang magchat dito may crush sakin nang very very light!
Tapos kanina maluha-luha na ako doon sa loob nang dyip. Pero ayos mukha! Ayan sinasabi ko sa sarili. Namomroblema ka man dapat kayanin pa rin, pero kanina nanginginig na talaga ko. Yung pisnge ko nayanig na kaso di ko talaga tinuloy. Nakakahiya pag nagkataon, maging best actress pa ako dahil doon, tapos maging guest ako sa "Ang Probinsyano" ako na bagong leading lady ni Coco Martin, papalitan ko na si Yassy Presman. Tapos hindi na talaga natapos yung palabas kasi forever na kami. I love him talaga!
Pagkadating ko naman sa bahay, ayun kalkal nang gamit. Nag-iisip anong gagawin ulit, kakayanin pa ba? May laban pa ba? Kaso sinasampal na mismo sayo nang katotohanan. Kailangan ko nang magising. Anong spell ba kasi iyong tumama sakin at naging ganito? Sobra akong nastress talaga! Napabayaan ko sarili ko nang sobra, na umabot sa puntong hindi na ako lumaki. Peace! Sa mga maliliit dyan, kaway-kaway lang. Libre lang naman, walang bayad. Ganyan ko kayo kamahal sana siya din pag dumating na siya. Yieee kilig! Advantage yet may Disadvantage ang lahat mapamatangkad ka man o hindi pinagpala sa height. Tulog kasi yata talaga kami noong maghagis nang pampatangkad.
Walang epekto iyong mga gamot na ininom ko, sayang lang sa pera. Makuntento na lang talaga! Pag isa.. isa lang, wag nang dumalawa pa. Parang yung kantang may lyrics na "Dalawang pag-ibig niya, sa akin ang isa. Di ko alam kung bakit meron pang pangalawa?" Kung alam niyo sabayan niyo, makakarelate dyan iyong mga iniwan nang jowa nila sa iba.
Sana lang talaga may dahilan kung bakit nararanasan ko itong lahat nang struggles sa buhay ko. Alam ko, in time babawi siya sa akin. Mas maganda at maliwanag, para sa ikabubuti ko at naniniwala ako kasi siya na lang kinakapitan ko. Sana lang wag niya rin akong iwan, kasi baka hindi ko na talaga kayanin pa pag pati siya tinalikuran na din ako. Iwanan akong mag-isa at pabayaan, dahil hindi ko na talaga kakayanin pang lumaban kasi sa totoo lang pasuko na ako.
Dinadaan ko na lang sa tawa, pero nasasaktan talaga. Am I really unlucky enough? Sana may team rescue at sagip kapamilya, dadating at sagipin ako.
GEMINI
-----
SavemeAlone