Chapter 9: In God's Perfect Time

1 1 1
                                    

01-26-20

Hi baby. I'm back! May ikkwento na naman ako sa'yo, ilang buwan na naman kasi dumaan bago ako makapag-update. Bagong-taon na ngayon pero andaming happenings talaga na gusto ko sabihin sa'yo. Konting kembot na lang gagraduate na din sa wakas ang ate mo ghorl. Oh diba akalain mo yon, daming ganap sobra e. Kasama na dito yung dapat nong nakaraang year pa ko nakapagtapos ngunit datapuwat char! So ayun nga di talaga binigyan chance kaya heto ngayon pa lang. Kung tutuusin nagwowork na sana ako ngayon at nakakatulong na sa pamilya pero wala eh, may mga bagay siguro kasi talagang kahit gustuhin man natin, yung tipong feeling mo ginawa mo naman best mo para maging deserving ka pero hindi eh. Kapag di talaga para sa atin hindi ibibigay sa atin.

May magulo na din akong love life ngayon, magulo kasi di ko siya mailegal sa magulang ko at unang-una di ko pa siya sinasagot. Syempre sagutin muna bago ilegal hahahaha. Pero masasabi kong mahal ko yung tao na yon kasi alam mo yun kung dati uso pa fling sakin pero simula nong nakilala ko siya parang alam mo yun biglang boom wala na sa sistema ko ang pagharot sa iba, sa kanya na lang. Charot charot! Sobrang thankful ako na dumating siya sa buhay ko as my friend at first and now soon to be boyfriend na kapag sinagot ko na syempre. Una kita ko palang don sa tao na yun ang gaan na nang feeling ko, para ko lang siyang tropa. Kumbaga hindi ako naiilang or whatsoever. Kasi dati talaga madali akong mailang sa mga lalaki, ewan ko ba bat ganon. Di ako kampante na alam kong may kasama akong lalaki na hindi ko naman gaanong ka-close. Sa jeep nga pag sumasakay ako ayoko talaga nang may tatabing kapwa ko estudyante kasi naiilang ako, pinagpapawisan talaga ako. Di ako komportable at ayun yung isa sa mga kinaiinisan kong ugali ko kasi like hello? wala naman ginagawa sakin yung tao pero kung kabahan ako over over. Pero ayun nga unang kita ko sa kanya non di ako nailang tsaka syempre hiya konti, pabebe si ghorl una pa lang e. HAHAHAHA Alam kong maraming makakarelate kasi minsan ganyan talaga sa life makakakilala ka nang mga bago sa buhay na hindi mo aakalaing pagbibigyan mo nang pansin.

Alam mo ba sa totoo lang malungkot ako ngayon. Oo sa ibang aspects masaya ako pero pagdating sa usaping pagtulong sa pamilya nagiging down yung nararamdaman ko. Kasi dapat ngayon nakakatulong na sana ako kung di lang bumagsak at nagretake, pero syempre laban lang. Alam mo yung pakiramdam na bakit naman yung mga ka-batch ko dati nakakatulong na sila sa family nila, hindi ko maiwasang i-compare sarili ko kasi dapat ako din sana nakatulong na e. Nakakapag-invest na rin sana ako para sa future ko at nang family ko pero sadyang hindi ipinagkaloob sakin at doon talagang nasaktan ako. Feeling ko wala pa akong kwenta, kasi ang hirap pala talaga pag naikumpara kana sa iba. Lumiliit tingin mo sa sarili mo, nakakawala nang self-confidence at lalong-lalo na nagkakaroon nang self doubt. Kaya heto umaasa parin ako na may plano sa akin ang Lord kaya nararanasan ko lahat nang ito, alam ko naman na hindi niya ako pababayaan kahit na anong mangyari.

In time magiging maayos din ang lahat matuto lang magtiyaga at pasasaan pa't maaabot din natin kung ano mang gustuhin natin sa gabay ni Lord.

GEMINI

-----
SavemeAlone

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 26, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Gemini's DiaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon