02-11-19
You are currently reading my story.
Kasalukuyan akong nagsusulat nang ilalagay ko ngayon dito. Bigla na lang napag-isip isip ko iyong sa mga taong pinagtagpo pero hindi pinagtadhana. Parang ang sakit! Nakakadurog para sa mga nakakaranas nang ganitong klaseng sitwasyon, palibhasa hindi ko pa nararanasan kaya nacucurious ako.
Hanga ako sa mga taong katulad niyo, nila at sila.
Ang tapang tapang na harapin mga problema kahit nahihirapan laban lang.
Ang nais ko lang ipaalam sa inyong lahat na tatagan niyo lang ang inyong mga puso at isipan kasi kahit anong mangyari alam kong kakayanin nyo kahit na ano pa iyan. Mahirapan ka man lagi ka lang magdasal huwag na huwag mong kalilimutang may nasa taas pang nakabantay parati sa ating lahat at hinding-hindi tayo pababayaan.
Hindi naman natin maikakailang nakakalimutan natin na may isang tao pang nagsakripisyo nang buhay niya para sa atin. Guilty tayong lahat dyan! Walang taong hindi makasalanan. Wala! Tao tayo at hindi lang basta tao! Tao tayo na pinagkalooban nang isipan para makapag-isip nang kung ano ang tama sa mali at puso na makaramdam nang pagmamahal.
Broken hearted ka? Iniwan?
Masakit?
Teh masarap masaktan lalo na kung natututo ka! Hindi mo na gustong ulit-ulitin pa diba? Nakakangiti ka na kung totoong malaya ka na sa lahat-lahat.
Hindi ka na peke! Nitong mga nakaraang taon, buwan at araw kasi sambakol ang busangot nang fes mo! Ngayon? Happiness everywhere na lang. Happy for life!
Saksi ang mga taong nariyan para sa iyo sa mga napagdaanan mo lalo na ang mga taong tumulong na makabangon ka at mga taong mahal mo at handang mahalin ka.
Wag mo na kasing hanapin ang wala at nang-iwan pa. Sila yun eh, choice nila! Maging masaya na lang talaga.
Masyado ka lang kasing na-trap sa isiping mahal na mahal mo siya pero ang totoo iniisip mo lang na mahal mo talaga siya kahit hindi naman ganoong kamahal kasi gusto mo siya na yung forever mo. Siya na pakakasalan mo kuno! Oo sa iba nagkakatotoo yun pero teh hindi sa lahat at iyon yung totoo. Bitter sweet? Nah it's the reality that saying the truth.
Nagbabago kasi iyong nararamdaman nang isang tao pero iyong pagmamahal kahit kailan hindi nababawasan. Mananatili at mananatili sa kung sino man ang makatagpo nang totoo.
Napakaswerte nang mga taong nabiyayaan nang pagmamahal nang mga nakapaligid sa kanya. Iyong iba kasi sa materyal na bagay na lang idinadaan ang pagmamahal. Tama ako diba?
Sasapat na ba iyong mga mamahaling sapatos at damit kapalit nang kaunting pagmamahal? Isa din ito sa mga nagiging dahilan kaya naghahanap nang atensyon ang iilan. Na kapag nahanap nila sa isang tao ang kalalabasan ay obssession na nakakatakot sa totoo lang. Hahantong pa sa sakitan at patayan nang dahil sa kawalan nang kontrol sa mga emosyon at hindi na pinapagana ang utak. Napangungunahan na nang inggit, galit at hinanakit.
Hindi na maiproseso nang utak ang sitwasyon. Nahihirapan nang umintindi! Nagiging makitid ang utak!
Nagiging marupok!
Nawawalan nang kumpiyansa sa sarili!
Nauunahan nang galit.
Pilit kasing isinisiksik sa utak na failure sila pero sa loob loob kahit kaunti pilit lumalaban. Kakagat kahit na anupaman yan basta makuha gusto. Gusto kasing ipakita na mahina sila pero ang totoong sila? Lumalaban! Kahit kakaunti lang basta lumaban. Ayun naman ang importante diba?
Nahihiya kasing magbaba nang pride.
Kasi nahihiya?
Kasi maraming matang nakatingin? F**ck the society. Hindi naman nakakabawas sa pagkatao ang pagbababa nang pride.
Masyado ka lang na-aattached sa society gayong hindi mo na iniisip na napakatoxic na talaga nang mga ideya ngayon.
Masarap kaya sa pakiramdam sulitin pagiging single natin. Pahalagahan mo lang kasi iyong tamang oras na ipinagkaloob sa iyo. Wag rush! Easyhan mo lang.
Huwag magmamadali!
Maging thankful din sa kung anong mayroon tayo. Be always mindful sa mga taong nakapaligid sa iyo.
Find true happiness in life.
Be positive!
GEMINI
Still the old you?
-----
SavemeAlone