08-10-19
Dear Diary, I miss you so much. Almost 4 months din akong di nakapag-update sayo, sana love mo pa rin ako. Sobrang dami na nang nangyari sa buhay ko diary. Unahin ko na iyong samin nong una kong official na manliligaw, ayun wala nang ganon! Kumbaga stop na ganern. Bigla na lang kaming naging malamig, pero alam mo ba ramdam ko talaga iyong sincerity niya nong time na yun. Sadyang di lang talaga kami 'yong para sa isa't-isa at parehas naming desisyon yun kaya hindi gaanong masakit. Kasi unang heart break ko yun at sa manliligaw ko pa. Ang saklap diba? Pero okay lang magkaibigan parin naman kami. Kumbaga walang bitterness kasi mutual iyong decision.
Kung tatanungin niyo ako kung nasaktan ako? Oo ang sagot ko.
Unang manliligaw ko yun e. Hindi naman ako sanay sa ganoong sistema. Baguhan lang kumbaga! At masayang experience naman siya. Enjoy at nakakaoverwhelm sa pakiramdam. Tama nga iyong sinasabi nilang masarap magmahal lalo na kung mutual ang feelings. May reciprocity ganern! Kaya kahit hindi naging kami ayos lang, di naman masakit! Char! Very very slight ganern lang. First timer eh sorry naman no, alam ko naman yung iba makakarelate din sakin. Sows kunware di nasaktan. Feeling strong ang mga ate't kuya dyan. Enebe wala kayong maloloko dito kundi mga sarili nyo lang din. Charot! Baka jombagin nyo ko e o kaya ipa-barangay ay naku mga inday at dodong. Nakikibasa na nga lang kayo dyan kaya awat na di naman ako lalaban.
Share ko lang din pala yung mga nangyayari sa mga kaibigan kong marurupok. So ayun sa sobrang karupukan nila hindi mo malaman kung ano gagawin sa kanila. Merong naloko nang jowa. Merong nagbreak dahil sa sobrang pride nilang dalawa. May sobrang praning sa jowa niya. May nagmo-move on at merong waiting sa confirmation. Susko po minsan hindi ko na alam nangyayari sa earth. Sarap pukpukin nang mga bungo at nang matauhan e. Kaya nirereal-talk na minsan pero hala sige go parin sila. Nakakatanga pala talaga kasi pag tinamaan ka na e no. Hindi naman mga ganyan yan dati, ngayon ewan ko ano nang nangyari sa kanila. Pero mukhang hindi na din naman ako naiiba sa kanila. Taragis na love yan, sa sobrang tinik minsan mapapatanong ka na lang sa sarili mo nang "ako pa ba to?" Sobrang maraming pangyayaring di inaasahan. Sobrang unexpected katulad na lang nang sitwasyon ko na may naliligaw na ulit sa akin. Nakakawindang dito mas bata siya sa akin nang 2 years at hindi ko talaga inexpect na magiging ganito. Kasi unang-una gusto ko nang mas matanda sa akin. Kaya minsan napapatanong talaga ako, sabi naman nang kaibigan ko sakin na ibibigay daw sa atin iyong kabaligtaran nang mga gusto natin. Na sa tingin ko naman may point din talaga. Ang hirap pala mag-adjust pag mas bata sa'yo sa totoo lang, kasi dapat ikaw mas umiintindi. Minsan nga nasa isip ko nang itigil na lang kaso parang di ko kaya napamahal na sakin 'yong tao. Mas minahal ko to kesa sa sa unang nanligaw sakin, kaya pag nawala to masasaktan talaga ako nang sobra. Siya iyong makulit na sobrang pikon sa totoo lang. Mahiyain pa sobra, kung mahiyain na ako mas siya. Minsan nga niloloko ko pa siya na ako talaga yung lalaki sa aming dalawa. Sa sobrang kakaganon niya, natatawa na lang ako kasi para talagang siya yung babae kung makapag-emote at magtampo. Hays! Iba talaga ang mundo hindi mo talaga expected na tao ang ibibigay sayo.
Pero mahal ko na itong taong to, kahit wala paring kami. Napagdesisyunan ko kasing magtatapos muna ako nang pag-aaral bago magkaroon nang kami at alam niya yun simula una pa lang.
Siya iyong tipo nang lalaking sobrang sweet na matampuhin. Hahaha taragis diba parang babae, ewan ko ba mas gusto ko ngang pinipikon pa siya lalo. Nag-eenjoy ako kapag na-gg na siya in a good way na nagpapalambing. Sa isip-isip ko nga sobrang swerte ko kasi nakilala ko siya. Siya yung unexpected na worth it kasi mahal ko talaga at mahal din ako. Patay na patay nga daw sakin to sabi nang kaibigan ko pero di ko naman pansin. Well bulag na ko e, wala na tayong magagawa pa. Siguro si Lord na lang makakaalam sa mga pwede pang mangyari sa aming dalawa. Kasi mahirap nang masaktan for the second time at alam ko ngayon sa sarili ko na mas masakit talaga ito kumpara sa una. Naniniwala kasi talaga ako sa kasabihang "Kung para kami sa isa't-isa, edi kami."
Who knows what will happen right?
Sa mundo marami pang pupwedeng mangyari at marami pang pagbabago ang magaganap. Kaya tatagan lang ang sarili lagi at laging maging masaya.
GEMINI
-----
SavemeAlone