04-20-19
Dear diary, alam mo ba? May nanliligaw na sakin ngayon. Parang noong nakaraan lang pinapanalangin ko pa kung dadating ba sya no? or baka natraffic lang. So ayun nga, nakakainis lang kasi hindi ko rin naman sure kung seryoso siya sa akin.
Marupok pa naman ako kasi ngayon pa lang ako pumayag sa ganito iyong may manligaw sa akin. Tinu-turn down ko kasi agad dati kaya siguro walang dumadating. Tapos sa chat lang kami actually nagkakausap ang saklap diba? Hahaha wave pa more. Ayan tuloy! Mukhang mabibiktima ako nang katangahan. Ngayon ko lang to gagawin sa buong buhay ko. Magpapakatanga muna ako kung saka-sakali. Tatry ko muna anong feeling. Litsi! Sabihan nyo muna ko na tanga ako. Okay pa sakin ngayon hindi ko pa nararamdaman e. Siguro pag iniwan ako nito saka pa lang. Marami na kaming napag-usapan nitong si guy. Actually nakikita kong malapit siya sa family niya at plus points sa akin iyon.
Sa height? Di naman sya yung tipong pangbasketball player. Kutis? Maputi ata talaga siya. Pero ewan ko hindi ko pa naman talaga siya nakakasama. Kaya nga sa chat pa lang e. Pero alam mo ba na-cucutan ako sa kanya. Slight! Ewan ko ba hindi ako into guys na gwapo kundi mas attracted ako sa cute talaga.
Same school kami at never ko siyang nakita sa school dati. Naiisip ko nga dami ko pang mukha na hindi nakikita sa school. 1 year ahead sya sa akin pagdating sa age, at isa pa yun sa dagdag points. Mas gusto ko na mas matanda sakin yung guy na magugustuhan ako at gugustuhin ko.
Tapos isang araw nakita namin isa't-isa, nagtanguan lang kami. Kainis! Napakasaglit lang nang moment na iyon. Nahihiya talaga ko noon. Ano kaya hitsura ko nong nagtama mata namin non, biglaan lang iyon e. Di inaasahan! As in parang biglang napatingin lang ako noon sa hagdan tapos boom nandoon siya nakatingin din. Ayiiiiie kilig! Kainis pero kinilig ako noong time na iyon. Tapos nababaliw pa ako kung anong masasabi niya sa akin nong time na yun. Parang gusto ko siyang tanungin kung anong tingin niya sakin. Kaso minsan parang ayaw ko na lang kasi baka masaktan ako sa sasabihin niya. Hindi naman ako iyong magandang-maganda at head turner.
Average lang ako pero may laban din naman. Pang-miss u nga daw ang beauty ko pero maliit nga lang. Matangos din ilong ko, buti pinagpala kahit papaano. Pero flat pa din! Hahaha ayun lang. Shaket bes ah. Okay lang yan hindi kayo nag-iisa.
I feel you girls na flat din! Sige isa pa flat!Then alam mo ba yung kada magchachat siya abangers ako. Iniisip ko nga normal pa ba ko? Ano itong pinaggagawa ko, hindi naman ako ganito dati. Parang biglang dumating lang siya nag-iba agad. Maraming nabago, alam nyo yun? Biglang ganon iyong nangyayari sa life ko. Ganoon siguro talaga pag in love? Pero in love nga ba talaga ako? Kasi ako hindi ko rin talaga alam sa sarili ko. Baguhan pa lang ako at natatakot akong magkamali at masaktan.
Kasi sa totoo lang natatakot ako.
Takot ako.
Natatakot akong balang araw baka ma-fall ako sa kanya tapos hindi niya ako saluhin. Kung kailan handa na akong ipagkaloob yung love ko saka naman sya susuko. Marami na akong naencounter na ganyang klase nang love. Sa kaibigan, relatives and even sa classmates at mga taong malalapit sa akin. Siguro nadala na ko kahit wala pa man din iyong pangyayari na yun. Base na din sa mga nasasaksihan ko sa paligid ko. Natatakot akong mag-take nang risks at maging kawawa sa huli.
Wala naman kasing kasiguraduhan sa love diba? Pero kung siya na talaga para sa akin kahit masaktan ako kakayanin ko naman siguro. Lalaban naman ako hangga't kaya ko. Pero once na sya na mismo humiling na bitawan ko na siya, ayun siguro yung pinakamasakit sa lahat. Wala kang magiging choice kasi nanggaling na mismo sa bibig niya na isa lang ang ibig sabihin, ayaw ka niyang manatili pa sa life niya.
Kaya saludo ako sa mga taong nakaka-move on. Mahirap pero kinaya nila. I salute guys like you.
May time pa nga na dinelete ko buong convo namin tapos nagsend ako nang screenshot sa kanya. Sa isip-isip ko nagiging immature ako dahil sa kanya. Pero gawain ko talaga magdelete nang convo kahit importante pa. Hahaha ewan ko ba, ako lang ba iyong taong ayaw nang napakadaming chatmail kaya binubura para bago. Ang weird ko ba? Ganon talaga ko e. Tapos nasabihan niya ko na ang cold ko na daw. Ewan ko din sa sarili ko, pag hindi ko talaga trip hindi ko talaga matipuhan at hindi mo ko mapipilit talaga.
Ako yung tipong nag-jojoke pero ako yung masasaktan sa joke ko. Shaket ih!
Feeling ko na naturn-off na yun sakin e. Baliw-baliwan kasi ako tapos siya seryoso. Alam ko sa sarili ko na laking turn-off nang ginawa ko. Shit lang! Pero ginawa ko pa din. Saklap lang kasi nagsisimula pa lang parang ambilis binawi. Pinatikim lang ako saglit pero hindi na ibabalik.
Nakakapagchat parin naman kami pero hindi na katulad nang mga nauna. May bakod na kasi ngayon, parang ganoon iyong tingin ko lang. May wall na between us! Sayang lang kasi siya lang iyong pinayagan ko nang ganito pero parang wala lang sa kanya. Pero naisip ko rin lang na okay na pala na mas maaga para di na masyadong malalim. Para di masyadong masakit pag nasaktan ako. Atleast ito fling pa lang naman. May konting pang-hihinayang pero keri lang. Pag kami kami naman talaga diba? pero kung hindi okay lang. Thankful parin ako kasi nakilala ko siya kahit sandaling panahon lang.
GEMINI
-----
SavemeAlone