Chapter Forty Two

520 25 4
                                    

Chapter Forty Two

Yuan's POV

"saan mo gustong kumain babe?" nakangiti kong tanong kay Cassandra.

nandito kami ngayon sa loob ng sasakyan ko at kasalukuyan akong nag mamaneho.

tumingin siya sa akin sabay sabing, "kahit saan lang. mag drive ka nalang baka may makita tayong bagong bukas na restaurant.." tapos ibinalik niya ang tingin sa daan.

"okay.."

after how many minutes..

"teka Yuan, diba si Luke yun?" nag tatakang tumingin ako sa kanya. "saan?"

"ayun, wala na. nadaanan na natin. nasa may carinderia siya.." balewalang sabi niya, dahilan naman ng pag ubo ko ng malakas. "oy, babe, ok ka lang?" she gently touch my right arm..

"nag papatawa ka naman babe eh. si Luke? nasa carinderia? anong trip?"

"eh nandoon nga siya babe. may kasama siyang girl.."

"Cassy naman. ang yaman yaman ng gagong yun tapos mapapadpad siya sa carinderia? baka namamalikmata ka lang.." sabi ko. nag mamaneho pa rin ako pero this time medyo mabagal na. iniisip ko kasing baka totoo yung sinasabi ng babaeng mahal ko. hindi naman siya nag bibiro ng basta basta lang eh. pero para kasing imposible. wala na bang pera si Luke?

"siya nga yun Yuan. ah basta, siya yun. bahala ka sa buhay mo kung ayaw mong maniwala.." napaupo naman siya ng matuwid at seryoso ng nakatingin sa daan. galit na yan siya.

napakamot naman ako sa ulo.. "oo na, para makasigurado tayo, tatawagan ko si Luke, ok?" I stop the car tapos hinawakan ko yung kamay niya. "bahala ka." sabi niya lang. tsk. -_-

napabuntong hininga ako sabay kuha ng phone sa bulsa. eto na, tatawagan ko na si Luke.

pipindutin ko na sana yung call button nang biglang tumawag si GD.

wala akong nagawa kundi ang pindutin ang answer button.

"problema mo?" agad kong tanong dahilan kung bakit biglang lumingon sa akin si Cassy na nakakunot ang noo. "sino yan?" she mouthed. "si GD." sagot ko naman.

The Bachelors' LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon