Chapter 1

98 5 0
                                    

Guess Who

"Oh ano?" tanong sakin ni Celine pagka-upo ko sa driver's seat.

"I said I like him" sabi ko nang wala sa sarili.

"I know, right? Yan naman ang gawain mo." aniya habang titig na titig sa akin.

"He said he likes me, too." pagkarinig ni Celine sa sinabi ko ay halos mabingi ako sa tili nito kaya naman ay tinakpan ko na ang kanang tainga ko.

"But I thought.. I thought it was a date" aniko nang nakatingin sa kawalan. Narinig ko naman ang buntong hininga nya.

"Viela, thats not a date. Ni hindi nga sya nag-effort sa damit nya. Hindi manlang kayo kumain. And oh. I don't know. Ang alam ko kasi, ang date ay hindi ganito kaaga." aniya.

"Sabi nya may practice daw sila sa basketball." sinubukan kong pagtakpan si Kaizer at ipilit na date iyon.

"Kahit na! Ikaw nagdress, tapos sya? Urgh!" sa mga sinasabi ni.Celine, pakiramdam ko napahiya ako. "Pero naman. He said he likes you, too! Cheer up! Tara na, uwi na tayo." bawi nya nang makita akong napanghinaan ng loob na para bang hindi sya nagbitaw ng masasakit na salita.

"Celine, dito ka na maglunch" alok ni mama sa kanya.

"Thanks tita, pero kailangan ko na po umuwi, eh. Next time nalang po" tumango si mama at nag-bye si Celine sa amin at saka umalis.

Nawala sa isip kong hindi pa pala ako nakakakain ng almusal kaya dinamihan ko ang kain.

"Oh kamusta ang date, Frances?" ani kuya sakin sa kalagitnaan ng pagkain ko.

"Really, Viela? May ka-date ka na naman? Parang last month lang, eh, may dinate ka. Tapos ngayon?" nagtatakang tanong sakin ni papa. Si mama naman ay tuloy lang sa pagkain. Gayun na din si Francis, ang nakababata kong kapatid.

"Yes, pa. Pero date lang naman po iyon" at nginisian ko si kuya. Akala nya maiisahan nya ako sa pagpaparinig nya kayla papa, ha! "Okay naman si Kaizer, kuya." sagot ko sa kanya at tinuloy ang pagkain.

"Kaizer? Who's Kaizer?" tanong ulit ni papa.

"Kaizer Rivera po." aniko. "Anak po nina Mrs. Grace at Mr. James Rivera." dagdag ko pa nang malaman nila na galing din si Kaizer sa marangyang pamilya nang sumang-ayon sila para sa amin ni Kaizer.

"Ah!" napataas ang boses ni mama. "Tagapagmana ng mga Rivera! Biruin mo nga naman, honey. Napakaliit ng mundo." baling nito kay papa.

Napakaliit? Ng mundo? Ibig sabihin magkakilala sila?

Natapos na akong kumain ay di padin naalis sa isip ko ang sinabi sa akin ni Kaizer kanina.

Oh.. I like you, too.

Para itong lisa sa buhok na matindi ang pagkakakapit dahil hindi sya maalis sa isip ko. Totoo kaya ang mga iyon? Gusto nya kaya ako katumbas ng pagka-gusto ko sa kanya? Ganoon din kaya ang sinasabi nya sa iba pang nakaka-date nya? Pinapaasa nya ba ako o ano?

Napatalon ako nang magring ang phone ko.

"Hello?" sabi ko nang sagutin ang tawag mula sa unregistered number.

"Hello, Viela. It's Kaizer. Save my number. Keep this private, okay? K, bye" sabi ng nasa kabilang linya.

"K-kaizer? Pano mo nalaman y--" hindi pa natatapos ang sasabihin ko ay binabaan nya na ako. Hindi ko tuloy alam ang mararamdaman ko. Kung matutuwa ba ako dahil tinawagan nya ako at pina-save ang number nya na ibig sabihin ay... ay... ay importante ako sa kanya o maiinis ako dahil naging bastos sya sa pagkausap sa akin? Siguro naman ay busy lang sya at masyadong nagmamadali kaya nagawa akong babaan.

The Adopted GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon