Chapter 6

72 5 3
                                    

When I met you

Gulat akong nagtakbo-lakad papunta sa harap. Hindi ko inaasahang mananalo ako dahil kanina palang nawalan na ako ng pag-asang manalo pa.

Isinuot sa akin ni Mrs. Diaz ang medal at nakipagkamay. Ibinigay naman sa akin ni Mrs. Box ang envelop at nakipagkamay din. Ganun na din kay Mrs. Rivera.

Pagkatapos ng nakakalokang picture-an, dumirecho ako sa ngiting ngiting mama at kuya ko at niyakap sila.

"Sabi naman sa'yo, eh. Kaya mo 'yan." hinimas ni mama ang likod ko. "Kamusta naman yung banner ng kuya mo?" pabiro nyang sabi sabay hagalpak ng tawa. Ngumuso naman si kuya.

"Di mo ikina-gwapo yang pag-nguso mo, kuya ah." ani ko sabay palo ng braso nya.

"So pano? This calls for a celebration!" masayang sabi ni kuya. Napangiti ako. "Tatawagan ko sila Migs." parang mas excited pa 'to kaysa sakin. Alam ko namang hindi sasama si mama dahil madami syang aasikasuhin sa trabaho.

Palabas na kami ng venue nang makita ko'ng nag-uusap sila Mrs. Box at Mrs. Rivera. Katabi ni Mrs. Rivera si Kaizer na kasali din sa pag-uusap nila.

"Uy, Viela!" napatalon ako nang tawagin nya ang pangalan ko. Lumingon ako sa kanya at laking gulat kong nakatingin din sa akin sina Mrs. Box at Mrs. Rivera.

"I-start ko na yung kotse." ani mama. Tumango ako at naglakad sya palabas. Tinapik naman ni kuya ang balikat ko at sumunod na din kay mama.

"Tara!" hinigit nya ng kamay ko papunta sa pwesto nila. "Ma, tita Karisa, si Viela po." pagpapakilala nya. Ngumiti ako at nakipagkamay sa kanila sa ikalawang pagkakataon. Mukha silang mababait at di nangangain ng buhay. Lalo na si Mrs. Box, ang amo ng mukha! Ang ganda nya!

"Girlfriend ko." nanlaki ang mga mata ko at tinignan ko si Kaizer. Nakita nyang masama ang tingin ko sa kanya kaya humagalpak sya ng tawa. "In the nearest future." kumindat sya. Napairap tuloy ako. May kasalanan ka pa sa'kin, ah.

"Hello po." bumaling ako kela Mrs. Rivera at ngumiti. Ngumiti naman sila pabalik.

"Hija, alam mo, pwede ka'ng magtrabaho sa cafe ko." ani Mrs. Box. Saan? Sa Heaven? Oh my! Panaginip ba 'to? Sana di na ako magising.

"T-talaga po?" nagniningning ang mga mata ko.

"Oo naman! Kakaiba ang cooking skills mo." binuksan nya ang purse nya at aktong may hinahanap. "I'll offer you, hija. I'll give you a scholarship sa culinary school sa Italy. Here's my calling cark, okay?" inabot nya sa akin ang calling card nya. Tinanggap ko iyong nang wala sa sarili.

"Th-thank you po." tumango lang ito.

"Sige, mauna na 'ko. Good bye Grace." kumaway ito at nginitian kami ni Kaizer. "Ingat po." ani ko.

"Uhm, Kaizer, magce-celebrate kami ni kuya kasama yung mga kaibigan nya. Gusto mo sumama?" alok ko pagkaalis ni Mrs. Box.

"Sure, sige! Anong oras ba?" tinaas nitong bahagya ang kamay at tinignan ang orasan.

"After lunch? Basta tatawagan nalang kita. Sa Hard Rock." tumango ito at nagpaalam na 'ko.

Lumabas ako ng hotel at nagtungo sa parking lot. Nakita ko agad ang sasakyan ni kuya.

"Nasan yung kotse ni mama?" tanong ko sa kanya habang iniikot ang mata sa parking lot.

"Nauna na sya. May aasikasuhin pa daw." sumakay ako sa kotse nya. "Tinawagan ko na sila. Lunch muna tayo." tumango ako. Pinaandar nya ang sasakyan at pumunta sa pinaka-malapit na restaurant.

The Adopted GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon