Chapter 2

88 5 0
                                    


Napaka-sweet


"Kaizer?" patanong ang pagkasabi ko para lang makasiguro. Tinanggal nya ang pagkakatakip sa mata ko at pumwesto sa harapan ko.

"Sorry, naging mean ako kanina." sabay abot sakin ng boquet ng white roses at chocolates. Hindi ko alam kung anong gusto nyang gawin.

"Y-yun lang ba? Sus, wala yon." sabi ko sabay tanggap ng rosas at chocolates.

Hinawakan nya yung free hand ko at hinalikan ito. "I want to know you. Better. Viela, i like you. Please, let me court you." HUH? ABA OO SYEMPRE! Bakas sa mga mata ko ang gulat. Sa lahat ng mga nanligaw sakin at naka-date ko, sya lang itong straight to the point kung makapagsalita.

"Y-yes." Wala sa sarili kong sabi.

"Thanks." bulong nya sakin. "Kumain ka na ba?" tanong nya. Hindi padin ako makapaniwala. Napaka-swerte kong nilalang dahil madaming babaeng sya ang pinapangarap. Tapos ako? Ako ang nagustuhan niya? I feel so special.

"Oo." sagot ko.

"Hmm. Hatid nalang kita pauwi. Gabi na kasi." sabay hawak nya sa bewang ko. Urgh. Parang may kuryente na dumaloy sa buong katawan ko nang madikit ang mainit nyang kamay sakin.

"Uhm.. Kasi si kuya.. Hinatid nya na ako. Nag-iintay sya ngayon." sabi ko.

"Ah, okay. So pano to? Next time nalang, ah?" at niyakap ako. My goodness! Nanigas ako sa kinatatayuan ko at tumango. Sabay naman ng pag-alis nya.

"Itapon mo yan." turo ni kuya sa bulaklak pagbukas ko ng pintuan ng kotse. "Amina yung chocolate. Mukhang masarap." walanghiya.

Hindi ko sinunod ang sinabi nya at tuluyang pumasok sa kotse. Uminit ang pisngi ko nang maalala ang nangyari kanina sa amin ni Kaizer.

"Ano ba?!" sigaw ko nang inagaw sakin ni kuya yung bulaklak at inihagis ito sa labas ng bintana. Sumandal ako sa upuan at nagbuntong hininga.

"Nanliligaw na ba?" tanong nya habang nagmamaneho pabalik sa bahay namin at nilalantakan yung chocolates na dapat ay sakin.

"Oo kuya." sabi ko nang wala sa sarili.

"Wag mong sagutin." utos nya. Aba! Mas marunong pa sya sakin!

"Its my choice, kuya. Ako ang magde-desisyon sa buhay ko at hindi ikaw!" sigaw ko sa kanya. Kuya ko lang sya, wala syang karapatang kontrolin ang puso ko!

"Hindi mo kilala ang lalaking yon, Viela. 'Wag kang magmarunong." pagbabanta nya habang seryoso pading nakatingin sa daan. "Para mo na ding nilagay ang sarili mo sa alanganin." sabi pa nya.

Hindi ko alam kung ano ang ibig nyang sabihin. Hindi nalang ako sumagot. Kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa ko at binuksan ito. 2 missed calls from Kaizer. 3 unread messages.

From: Kaizer

Youre not answering my calls. What happened?

From Kaizer

Hope youre ok. Call me after you read this.

From Celine

May kukwento ako. Call me. Bye.

Agad kong tinawagan muna si Kaizer. Kung makipag-usap sya sakin, parang boyfriend ko na sya. Saan pa nga ba hahantong ito? Edi doon din naman.

"Hello?" pambungad ko.

"Yes?" malambing na sabi nito.

"Kaizie.. sino yan?" narinig ko ang boses babae sa kabilang linya.

The Adopted GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon