Chapter 10

59 4 1
                                    

Not welcome, freak!

Nakita ko ang babaeng nakapolo na panlalake at halos maaninag ko na na wala syang suot pang-ibaba.

"Sino yan?" humina ang boses ni Kaizer sa huling salita nang makita ako. Magulo ang buhok nito at walang damit pang-itaas.

"Anong kailangan mo?" bumalik ako sa katinuan nang marinig ko ang lagapak ng tray sa lapag. Mataray ang pagkakatanong sa akin ni Celine.

"W-wala." tumalikod ako at pinunasan ang luha ko. Binilisan ko ang lakad papasok sa elevator. Nagulat ako nang may humarang sa pinto nito.

"Viela.." mahinang sabi ni Kaizer. Nagla-lock pa ito ng belt nya. Ang kapal ng mukha! Pinapahalata pa talaga sa akin na kakatapos nya lang!

"Bakit ba?" mahinahong sabi ko. Pinipigilan ko ang pagpatak ng mga luha sa mata ko. Nakita ko sa salamin ng elevator na namumula ang mga mata ko. Nag-iwas ako ng tingin kay Kaizer na ngayon ay katabi ko na. Ayaw kong makita nya na mahina ako. Ayaw ko din makita ang pagmumukha nya, umiinit ang dugo ko.

Pipindutin ko na sana yung ground floor nang inunahan nya ako sa pagpindot.

"Paunahin mo na ako." pumiyok ang boses ko sa pagsabi ko.

"Let's talk."

"Nag-uusap na tayo."

"Hindi dito."

Bago pa man ako makapagsalita, hinila nya na ang kamay ko palabas sa elevator.

"Ano bang gusto mong pag-usapan?" hindi ko mapigilang mapasigaw sa galit.

"Mali ang iniisip mo." makakalimutan ko na sana. Tumingin ako sa itaas para pigilan ang pagtulo ng luha ko. "Walang nangyari sa amin." huminga ako ng malalim at kinagat ang labi ko.

"Bakit ka nage-explain?" inosente kong sabi. "Di mo naman ako girlfriend, diba?" parang hiniwa ang puso ko dahil mismo sa mga sinabi ko.

"A-alam mo. Kase.. Kasi si Celine lang ang nagpupumilit! Kakagising ko lang non! Nagulat nga ako nang makita syang ganon ang itsura!" namanhid ang buong katawan ko. Hindi ko naiintindihan ang pinagsasa-sabi nya.

"Sige na. Uuwi na ako. Malamig dito sa rooftop, oh. Baka lagnatin ka pa." tumalikod ako. Salamat nalang at saka tumulo ang luha ko.

Papasok na sana ako sa elevator nang hinigit nya ang braso ko. Parang may tumusok sa ulo ko nang hawakan nya ang ulo ko at diniin pa iyon sa dibdib nya. Para bang ayaw nya akong pakawalan.

"Maniwala ka sakin. Please." pinigilan ko ang sarili kong yakapin din sya. Hindi ako ganon kahina para isang please lang, bibigay na agad ako.

"Gusto mo bang lamigin ako dito?" bibitaw na sana ako sa pagkakapit nya sakin.

"Sige na." malamig ang pagpapaalam ko. Nakahinga ako nang maluwag nang hinayaan nya akong kumalas. "Good night."

Hindi ko alam kung maniniwala ako. Dumiretso ako sa elevator at nagtungo sa parking lot. Inabutan ko si kuya sa kotse na humihilik pa sa himbing ng tulog.

"Uy!" pinalo ko ang braso nya at natauhan naman sya agad.

"Ano na?" gulat ang pagkasabi nito. Parang wala pa sya sa huwisyo nang magpunas ng pisngi. Ew.

"Uwi na tayo." sinunod naman nito ang sinabi ko nang di nagtatanong ng kung ano-ano.

--

Last week na namin ng klase ngayon. Last week na din ng pagsasama namin ni kuya sa university na 'to. Binalik na sa akin ni mama yung susi ng kotse ko at di na ako grounded. Nasanay na rin ako sa parating laman ng newsfeed ko sa tuwing may commercial si Celine. Kahit sa mga usap-usapan sa campus, sya din ang laman. Alam ko na ding kalat na ang balitang si Celine na at si Kaizer. Gumawa pa nga ng fanpage ang mga taga-hanga nila, eh. "Kailine"

The Adopted GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon