Chapter 11

42 3 2
                                    


Who's that "SHE"

Pag-uwi ko, naabutan ko sila mama at kuya na nagpaplano tungkol sa bakasyon.

"Anjan ka na pala, Viela." inilapag ko ang bag ko sa sofa at nagkiss sa pisngi ni mama.

"So, tulad nga ng sinabi ko. Sagot na ng kompanya yun." ani to kay kuya.

"Alin, ma?" pagsingit ko.

"Yung bakation sa Italy ng kompanya ng papa mo. May kliyente din kasi sila doon." aniya sakin. Tumango ako.

"Really?" nanlaki ang mata ko nang mapagtantong magbabakasyon kami sa Italy!

"Ma, pwede naman tayong magswimming nalang." tinignan ko nang masama si kuya. "You know, swimming swimming?" dagdag pa nito.

"Ayaw nyo sa Italy?" panunukso ni mama.

"Ako! Ako ma, gusto ko!" bumaling ako kay kuya. "Mag-isa kang magswimming."

"Oo nga!" napatingin ako sa nagsalita. Nasa hagdan pala si Francis. "Italy nalang, ma." YES! YES!

"Pano ba 'yan, Vince?" pangangasar ni mama kay kuya. Humagalpak kami ng tawa ni Francis.

--

Pagkatapos ng isang linggo, tapos na rin ang semester. Nag-eempake kami ngayon ng mga gamit papunta sa Italy. Bukas ng madaling araw ang flight namin.

Habang nag-aayos ng mga gamit, nakita kong nakakalat ang isang maliit na card. Pinulot ko ito at hinarap sa akin. Calling card. Calling card ni Mrs. Box.

Naalala ko yung inaalok nya sa akin na mag-aral ng culinary sa Italy. Pagkakataon ko na din 'yon.

"Hoy Frances, nakita mo ba si Viku?" Bigla nyang binuksan ang pinto ng kwarto ko.

Si viku, yung kulay violet na laruan nyang simula bata tabi nya sa pagtulog. Isip bata talaga.

"Hindi, ba't ko naman kukunin?" nagpatuloy ako sa pag-aayos ng damit.

"Malay ko ba kung may pagnanasa ka sa Viku ko." sinarado nya na ang pinto dahil alam nya na kung ano ang isasagot ko.

Bago matulog, pinag-isipan ko muna yung tungkol sa scholarship ko sa Italy.

--

VINCE'S POV

Magkatabi kami ni Frances sa eroplano. Naalala ko na naman yung kagaguhan ko kagabi. Nagkunwari akong hinahanap yong walang kwentang Viku na yon kahit di naman talaga nawawala. Di talaga mawawala yon, regalo nya sa akin yon nung bata pa kami, eh. Sabay pa kaming nagpangalan doon nang Viku dahil daw Vi kasi Violet. Ku para daw akin lang si Viku. Para sa akin, ang ibig sabihin ng Viku, ay "Viela ko".

Gusto ko lang naman na makita sya bago ako matulog kaya nagpanggap akong hinahanap si Viku.

Dahil nga mataas ang posisyon ni papa sa kompanya, sagot ang pagpunta namin dito.

Nang makalapag ang eroplano, dumiretso kami sa hotel. Magkasama ng room si mama at papa at.. kaming tatlo nila Frances at Francis.

Napansin kong naglog-in agad si Frances sa twitter. Hindi naman sya ganyan dati na pala-gamit ng gadget pero lately nag-iiba na sya.

"Ayaw mo bang kumain mun--" minsan na nga lang ako magtanong ng matino, naudlot pa!

"Hello?" sinagot nya ang tawag na pumutol sa sinasabi ko kanina.

Lalabas na sana ako ng kwarto kanina para kumain pero nagpanggap ako na may nakalimutan at kunwaring nag-ayos ng gamit para marinig ang pag-uusapan nila ng kung sino man yon. Nauna na si Francis bumaba dahil gutom na raw sya.

"Sino nagsabi sayong tumawag ka?" sino yun? "Wala akong pake. Bye." nakahinga ako nang maluwag.

"Kumain ka na." inunahan ko syang pumunta sa resto ng hotel.

Umupo ako sa tabi ni mama at Francis. Nakita ko naman si Frances na papunta sa diresyon namin.

--

Pagkatapos kumain, susunod na sana ako kela mama sa paglabas sa resto nang may tumulak sa pinto.

"Whoa! Bro!" nagulat sya nang makita ako pero nangiti naman sya agad. Nagfist bump kami. Hindi na ako nagulat na makikita ko si Jacob dito sa Italy.

"Ikaw na naman?" bumaling ako kay Frances na nakangiwi ang mukha.

"What's with the face?" sagot ni Jacob.

"So kamusta na, bro? Sup?" ako na ang nagsalita para di na humaba yung pag-aaway nila.

"Marami ka yatang hindi nakwento sa akin." aniya. Kumindat pa ito at dinaanan ng tingin si Frances. Padabog na lumabas si Frances sa resto pabalik sa kwarto namin.

Lumabas kami ni Jacob at naglakad-lakad bago nya ako dinala sa paborto nyang lugar dito.

"What about the girlfriend?" napabuntong hininga ako nang mapunta dito ang usapan namin. Kanina lang pinag-uusapan namin kung ilang pang resto dito sa Italy ang sunusupply-an nila. "Ilang taon lang tayo di nagkita, nadagdagan na agad kayo ni Francis? Ganun ba?"

"Shh!" baka marinig sya ng kung sino. Hindi lang to basta-bastang sikreto.

"Di ko sya tunay na kapatid." ani ko.

"Eh ano?" uminom sya ng kape na inorder namin kanina.

"Eto na nga, eh. Wag ka kasing sabat nang sabat." ani ko. "Yung gabing bago kayo umalis ng mama mo papunta dito, hindi kami natuloy non kasi naaksidente kami."

"Sabi nga ni tita." di talaga nya mapigilan ang bunganga nya.

"Nabundol namin ang isa pang sasakyan. Dinala namin ni mama yung tatlong nasa loob ng kotse sa ospital. Namatay yung dalawa, which is yung mama at papa nya. Si Frances yung isa."

"Then?" itutuloy ko naman sana kung hindi lang sya sabat nang sabat.

"Then, sinabi ng doctor na nagka-problema si Frances sa utak. Sinubukan naming hanapin ang iba pang kamag-anak ni Frances pero dahil wala nga syang maalala, wala din kaming nahanap. Ang totoo, gustong gusto talaga ni mama magkaroon ng anak na babae. Kaya nagdesisyon syang amponin si Frances. Ginawa ni mama ang lahat ng mga proseso para walang makaalam sa pagkatao ni Frances."

"That's why, sinunod ni tita ang pangalan ni Viela sa pangalan nyong dalawa ni Francis?"

"Yup." kahit na may pagka-makati ang dila nitong si Jacob, alam kong mapagkakatiwalaan ko sya. Nung bata pa lang kami, kami na ang partners in crime.

"Ikaw, kamusta na? You know, love and life?" pag-iiba ko sa topic namin.

"Wala, eh. But the first time I saw her, nakita kong may kakaiba na sa kanya." tumitig ito sa kawalan at nagpakawala ng buntong hininga. Para bang pinapangarap nya talaga yung babae.

"Who's that "SHE"?"

"Bro, I need your help." tinaasan ko sya ng kilay. "Ilakad mo ako kay Viela."

Lumakas ang tibok ng puso ko nang marinig ko ang pangalan nya.

"Minsan lang ako humiling sa'yo. Bawal tumanggi."

The Adopted GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon