Chapter 4

73 4 0
                                    


Di na kami friends.

Sabi ng doktor may congenital heart disease daw si Francis. Dahil daw sa exessive tiredness. Marahil nga lagi itong pagod sa pagbabasketball. Pero magagamot naman daw 'yon sa page-exercise, dietary changes at pag-inom ng gamot sa tamang oras.

Pinauwi na din agad si Francis kaya madaling araw na kami nakatulog.

Pagpasok ko, ganon ulit. Nandoon na si Celine at Kaizer. Tumatawa-tawa pa habang nagkukwentuhan.

"Uy, Viela! Ano nangyari sa'yo?" bati ni Celine habang titig na titig sakin.

"W-wala." tinignan ko si Kaizer pero nag-iwas sya ng tingin sakin.

Umupo ako sa upuan ko at nilagay ang bag ko sa sandalan.

Kinuwento ko sa kanya yung nangyari kay Francis. Bakas naman sa mga mukha nito ang pag-aalala. "Kaya pala ang lalim ng eyebags mo." tumawa ito. "Pakisabi, pagaling sya ah."

"Makakarating." ngumiti ako. "Nga pala, Celine. Sa sumali ako sa cooking contest. Sana makapunta ka." aniko.

Kumunot ang noo nito at bumuntong hininga. "Uhmm.. Ita-try ko. May group project kasi kami, eh." try? Hindi yan ang kilala kong Celine, ah. Tsk. "Wait lang." paalam nito at umalis sa upuan nya. Nakipagdaldalan sya sa babae sa kabilang upuan.

Kami na naman ni Kaizer ang naiwan ngayon. Sa tuwing mahihiya akong kausapin sya, naaalala ko yung mga sinabi nya sakin.

I like you, Viela. Please let me court you

Humugot ako ng lakas ng loob. "Psst." tawag ko sa atensyon nya. Lumingon ito. "Galit ka ba?"

Humagalpak ito ng tawa at bahagyang nilapag sa armchair ang phone nya.

"Hindi, ah! Bakit naman?" aniya.

"Ah.. sumali kasi ako sa contest. Cooking contest." panimula ko. "Gusto sana kitang imbitahan na manood sa saturday." i gave him my sweetest smile.

Ngumisi ito at.. "Sure sure. Saan ba?" tanong nito.

"T-talaga?" lumaki ang mga mata ko. "Sa Asian hotel ang venue. 9am magsisimula."

"Okay." tipid itong ngumiti.

"Guys! Absent daw si Ms. Baguntabas. Magreview nalang daw tayo para sa unit test bukas." hingal na sigaw nung babae pagkabukas na pagkabukas ng pinto.

Nakaraan ang ilang segundo, bumalik ang daldalan ng magagaling kong kaklase.

Pagkatapos ng oras ng klase, sumabay ako sa paglabas kay Celine. Nakita ko si Kaizer na nag-iintay. Tinignan ko sya at hinintay ang pag-aya nya sakin ng lunch.

"Sige Viela, I'll go ahead. May test pa kami sa.. sa.. algerbra, eh." binaling ko ang tingin ko sa nagsalitang si Celine. Tumango ako at lumakad na ito palayo. Tinignan ko ulit si Kaizer na mukhang natataranta.

"Ako din, Viela. May practice pa kami sa basketball, eh. Next time nalang." tipid itong ngumiti at umalis na din.

What's wrong with them? Lunch time ngayon, ah. Masyado yata silang nagiging busy.

Natapos ang klase nang walang nagtetext o tumatawag na Celine. Hindi ako sanay.

Sumakay ako sa kotse ko at ii-start ko na sana nang may biglang nagring.

Speaking of..

"Hello?" panimula ko.

"Hello, bes?" nag-aalinlangang tanong nito.

The Adopted GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon