Chapter 16

46 3 1
                                    


VIELA.

I don't know.

Hindi ko alam kung paano ko haharapin ang mga taong nagsinungaling sa akin. Yung mga taong tinatago hanggang ngayon yung tunay kong identity. Yung mga taong nakakaalam ng totoo pero nagagawa paring humarap sakin na parang walang nangyayari.

It kept running on my mind. Kahit anong gawin kong brutal sa ulo ko, di ko maalis yung fact na nagsinungaling sila sakin.

Ang ayoko sa lahat ang yung tinatago sa akin yung totoo..

"Celine?" Si kuya. I mean, si Vince.

Di na naman sya kumatok bago pumasok.

"Bakit?"

"Wala wala." sabi nya tapos umalis na sya.

Tss.

Ano pa ba ang tinatago nila sakin? Gusto kong malaman yung totoo. Yung totoong parents ko. Kung may totoong kapatid ba ako. Yung totoong buhay ko.

Nothing can be worse ever than this.

KAIZER

Ang ingay! Dapat kasi talaga hindi na ako sumama dito eh.

Ang tagal pa ng performance ni Celine. Ang iingay pa ng mga bandang 'to. Yung bandang puro rock at rap lang ang alam. Yung walang meaning yung kanta.

Di ko din alam kung bakit pinapakanta si Celine eh. Di naman maganda boses nya. In fact, madami lang syang supporters.

"Next, Ms. Celine!" tawag nung isang staff. Ang gulo din pala dito sa backstage. Lahat sila busy. Lahat ng tao, nagmamadali.

Well, ako eto. Relax lang. Di naman kasi ako kailangan dito eh. Kaartehan ni Celine. Tss.

I decided to call Viela, instead. Ewan ko nung nag-usap kami nung isang araw parang di sya masaya.

Miss ko na sya..

/"Hello?"/ ah, her voice's a music to my ear. It's really good tp hear. Hindi ako makakatulog sa gabi hangga't di piniplay yung boses nya.

"Sup?" i asked. I'm not waiting for a good answer. I just want to hear her voice. Masaya na 'ko.

/"Stressed."/ sabi nya. Aalukin ko sana syang mag-usap kami para mabawasan naman yung stress nya. /"Kailangan ko ng kausap, Kaizer,"/

/"Pero alam ko'ng you can't come. Tss, overthinking lang siguro ako,"/ sabi nya.

"Kaizer! Kanina pa kita hinahanap ahjsjaka--" tumayo ako at tinakpan ko yung bibig nya.

"Okay, basta pag kailangan mo ng kausap, andito lang ako."

/"Okay,"/ then she ended the call.

"Ano ba problema mo?" sigaw ko sa isang staff na kanina pa 'ko sinisigawan. Yuck, kinagat nya pa yung kamay ko!

"Kailangan ka sa stage kasi! Tawag ka ni Celine?" nanlaki yung mata ko.

"Ha? Bakit daw?"

Alam nyang ayaw ko nito. Ayaw ko'ng umaakyat sa stage. Ayaw ko'ng nagpapakilala sa tao. Ayaw ko sa nangyayari sa buhay ko ngayon.

Ang gusto ko ay yung simple lang. Gusto ko yung nagbabasketball lang ako habang nanonood yung babaeng mahal ko.

"Ipapakilala nya daw yung boyfriend nya, eh." napakamot sya ng ulo.

"Tss. Ayoko," umupo na ako. This is nonsense. Alam na ng lahat na nagde-date kami. Ano pa'ng sense nung pagpapakilala, di ba? She's insane.

"Please naman, Kaizer. Ako lagot nito eh," nagpapadyak sya sa inis.

"Ayoko nga," magsasalita pa sana sya pero nakita natulala sya sa nakita nya.

Si Celine. Crying. Nagkalat pa yung mascara nya.

"C-eline," i called out. Pumasok sya sa cr kaya sinundan ko sya.

"Buksan mo nga 'to, ano ba!" i continued knocking. Di padin sya sunasagot.

I kicked the door out. There. I saw her crying. Sobbing like a kid.

Nagtinginan 'yung mga tao. Ito ang gusto nya diba? Attention. Gusto nya nasa kanya lahat.

Tinignan ko yung mga tao, nagsibalik naman sila sa mga trabaho nila.

"Let's talk," hinatak ko sya. Nung nakarating kami sa parking lot, wala masyadong tao. She can shout all she want. Pero di yun yung narinig ko.

"Ayoko na," she said between her sobs. "Let's end this."

"Bakit ba, Celine?" It's not that na gusto ko pang ituloy to'ng kalokohan na 'to. Dapat ako maging masaya.

"Anong bakit?" she wiped her tears then looked straight into my eyes. "Hindi pa ba sapat 'yung kanina, Kaizer?" she said calmly.

"Pinahiya mo ako. Pagod na ako. Ayoko na. Ako lang naman ang may gusto nito eh."

"Ha-ha-ha. Well, ako lang naman talaga ang nag-utos sayo diba? Eh, anong magagawa ko? High school palang pinapangarap na kita. Pinapangarap. Kasi alam ko na kahit kailan di ka magiging akin."

"Tapos bigla na lang dadating si Viela? Shit, Kaizer! Walang wala na akong pag-asa sayo! Sa tuwing mapapanood ka namin sa gym, at sya ang tinitignan mo, ang sakit lang. Ano ba'ng nagawa ko para di mo ako nakita? Kaya ko din lahat ng ginagawa nya! Mas pa nga eh!"

A tear fell from her eye, again. Pero parang wala lang sa kanya.

"Kaibigan mo siya, Celine. 'Wag ka'ng ganyan." I tried protecting Viela.

"Tss kaibigan? Oo, mabait sya sakin. Pero I can't be. We had a deal with her parents, Kaizer! Pero sinunod ko lang yung sinabi ng parents nya sakin pero bakit ganun? Sa kanya padin napunta ang lahat? Yeah, i got the fame. Pero ikaw? Oo, akin ka. Sa mata ng ibang tao. Yung fame? Mawawala din yan sakin. Pero ikaw? Ikaw lang ang kailangan ko, Kaizer. Ikaw lang."

"Pero ngayon ayoko na. Kasi kahit anong pilit ko, di mo talaga ako magagawang mahalin. Alam mo'ng adopted si Viela pero minahal mo parin sya. Minsan, naisip ko, kailangan ko pa bang magpaampon para lang mahalin mo rin naman ako? Ha-ha, I'm just stupid. Wag ka'ng mag-alala, sasabihin ko'ng wala na tayo,"

I took a heavy breath.

"Okay, we're done. And Celine, you're not stupid. You just fell in love." i said, getting my car keys.

"Mabuti naman at nalaman mo na. Kasi hindi lahat ng gustuhin mo, makukuha mo. Meron talagang mga bagay na dapat pinag-iisipan bago gawin. Hindi 'yung puro puso ang inuuna." then pinat ko yung ulo niya.

The Adopted GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon