Chapter 7

66 4 1
                                    

Nice girlfriend, huh

Minulat ko ang mga mata ko. Hindi ko ito kama. Hindi ko 'to kwarto!

Napabalikwas ako sa kama nang mapagtantong hindi ko 'to kwarto. Laking gulat ko nang makita ang machong Kaizer na topless. Tinignan ko ang katawan ko. Naalala ko, hinatid ko nga pala sya kagabi dahil lasing na lasing sya.

Oh my! Bakit iba na ang damit ko?

"Kaaaizzeeer!" pinuntahan ko sya at pinaghahampas ang matigas nyang likod. Natigil sya sa pagtingin sa magandang view mula dito sa condo nya.

"Anong ginawa mo sa'kin? Ikaw na nga 'tong hinatid dahil lasing na lasing ka tap---" hindi ko natuloy ang sinasabi ko.

"Ano bang pinagsasasabi mo?" hinawakan nya ang kamay kong nagpapapalo sa kanya.

"May nangyari ba sa'tin?" humagalpak ito ng tawa.

"Sino ba'ng lasing? Ako o ikaw?" napalunok ako. "Binihisan lang kita nung nagising ako nung madaling araw. Ang dumi na kasi ng damit mo kagabi!" tumawa ulit ito. Tinignan ko ang loob ng maluwag na t-shirt ko'ng suot. Walang nagbago.

Uminit ang pisngi ko. Hindi ko akalaing ganoon ako kadumi mag-isip!

"Ah g-ganun ba..." napakamot nalang ako sa batok ko.

"Halika na, handa na ang breakfast." hinila nya ang kamay ko papuntang kusina. Namula ang pisngi ko. Naisip ko tuloy na para kaming bagong kasal dito.

"Marunong ka palang magluto..." ani ko.

"Syempre naman. Ako lang mag-isa dito, eh." nagsimula kaming kumain. Simpleng pancakes lang 'to pero sobrang nasarapan ako. Marahil ay sya ang nagluto.

"Ah." tumango-tango ako. "Ano nga pala yung sinabi mo kagabi? Yung... delikado? Yung... baka ikalat ni Celine?" napatigil ito at tinignan ako mata sa mata. Para bang binabasa nya kung ano ang nasa isip ko.

"Nasabi ko ba sa'yo?!" yumuko ito at hinilot ang sentido nya.

"Oo.. kagabi." ani ko.

"Sabihin mo nga.. Nakipag-kiss ka na ba?" bakit iniiba nya ang usapan?

Naalala ko tuloy yung hinalikan ako ni kuya. Iniling ko ang ulo ko para mawala 'yon sa isip ko. Ako ang nahihiya kay kuya pag naiisip ko 'yun. Pero hindi ko 'yun maituturin na first kiss kasi kapatid ko sya. Kakalimutan ko nalang ang nangyari at iisiping normal lang 'yun sa pamilya.

"Mukhang oo ang sagot." nabalik ako sa katinuan nang nagsalita si Kaizer.

"H-ha? Hindi, ah! Di pa ako nakikipagkiss!" ani ko.

"Talaga?" nagtatakang tanong nya.

"Oo.." napahawak ito sa batok nya. "Kalimutan mo nalang yung tinanong ko." aniya. Tumango ako.

Nagbihis ako pagkatapos kumain. Hinatid ako ni Kaizer pauwi dahil di ko naman dala ang kotse ko. Binuksan ko ang cellphone ko at bumungad sa akin ang madaming missed calls galing kay mama at kuya. Tinawagan ko si mama at sinabing wag nang mag-alala at pauwi na ako kasama si Kaizer.

"Pasok ka muna." ani ko nang makarating kami sa bahay.

"Hindi na, may gagawin pa ako. Sige." hindi na ito lumabas pa sa sasakyan.

"Okay thanks." tumango ito. "I-ingat!" sinarado ko ang pinto ng sasakyan nya at tumuloy sa bahay namin.

Sinalubong ako ni mama ng walang katapusang talak. Si kuya naman naglalaro lang ng xbox.

The Adopted GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon