2

5.1K 93 21
                                    

Tahimik lang si Ami habang binabasa niya ang mga isinulat niya sa notebook na hawak niya. Para iyon sa project ng isang first year student na ipinagawa sa kaniya. Kailangan niya iyong matapos agad mamaya lalo pa at nakapagbayad na ng advance ang kausap niya.

Pinili niyang tumambay sa likod ng campus sa halip na magtungo sa library dahil tahimik doon at sariwa ang hangin. Masarap mag aral doon habang nararamdaman niya ang masarap na simoy ng hangin na tumatama sa balat niya.

"Hey onion!" Isang masayang tinig ang narinig niya na agad na ikinasimangot niya.

Hunter Alexzaynder! naiiling na naisaloob niya nang marinig ang pamilyar na tinig ng lalaki. Hindi na siya nagulat ng basta na lang ito sumalampak ng upo malapit sa kaniya.

"Layo!" Masama ang tingin na angil niya kay Hunter. Tumawa lang ito at sinunod ang utos niya.

Oo kilala niya ito kahit anong pilit niyang itanggi iyon. Pero bakit nga ba ganoon na lang kung ituring niya itong estranghero kahit na nagkikita na sila sa campus? Well.. isa lang ang masasabi niya. Hindi kasi niya ugali ang makisalamuha sa mga anak mayaman na kagaya nito kaya nagpapanggap siyang hindi ito kilala.

Kungsabagay ay wala naman siyang koneksyon kay Hunter maliban sa iisang dahilan: siya ang gumagawa ng mga projects nito at binabayaran siya nito para sa trabaho niya.

"Onion." Tawag nito sa kaniya.

Nakasimangot na nilingon niya ito. Nakapangalumbaba ito habang pinagmamasdan siya. Saglit na natigilan siya nang makita ang magandang pares ng mga mata ni Hunter. Hanggang ngayon ay pinag iisipan pa rin niya kung ano ang totoong kulay ng mga mata nito. Kung minsan kasi ay nagkukulay blue iyon at nagiging green naman sa tuwing nasisinagan ng araw na kagaya ngayon. "

Onion." Tawag ulit nito sa kaniya.

Napangiwi siya ng paulit ulit siyang tawagin ng binata. Hindi siya amoy sibuyas pero paborito siya nitong tawagin sa ganoong pangalan dahil may kinalaman iyon sa unang pagkikita nilang dalawa.

Nang mapansin ni Hunter ang pagngiwi niya ay kumislap ang mga mata nito saka ngumiti naparang naaaliw sa reaksiyon niya. Napairap siya habang pilit na inaalis sa isip ang dahilan kung bakit at papaano nga ba siya nito tinawag na 'Onion'.....

-
Panay lang ang patak ng mga luha ni Ami habang mahinang humihikbi siya. Sa takot niya na may makakita sa pag iyak niya ay mas pinili niyang magtungo sa likod ng campus at ibuhos ang inis na nararamdaman niya.

Noong isang araw lang ay ang saya pa niya dahil nakuha niya ang unang sweldo niya mula sa trabaho. Naibigay na niya ang kalahati sa pamilya niya at bumili siya ng bagong damit para sa mama niya. May natira siyang five hundred pesos at ang kalahati ay ibabayad niya para sa isang project na ngayong araw ang deadline. Nang puntahan niya ang kagrupo niya kanina para ibigay ang pera ay saka lang niya natuklasan na nawawala ang wallet sa bulsa ng pantalon niya. Siguro ay nalaglag iyon pag upo niya kanina sa jeep o sinadyang dukutin iyon sa kaniya.

HALF A HEART WITHOUT YOU (PUBLISHED UNDER PHR PUBLISHING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon