Napaismid na lang si Ami nang marinig ang biglang pagkakaroon ng komosyon nang pumasok siya sa isang silid kung saan nakatakdang pag usapan ang nalalapit na stageplay na gaganapin sa malaking gymnasium ng campus nila.
Dahil isa siya sa mga miyembro ng English Club ay kailangan niyang umattend ng meeting na gaganapin ngayon. Pero hindi pa man niya nagagawang magtagal sa loob ng silid ay nakarinig na siya ng hindi magandang salita mula sa ibang naroon.
“Nandiyan na naman si Feelingerang girl.”
“She’s not pretty.” Nakaismid na wika ng isa.
Kung pwede lang niya itong ipasok sa loob ng aircon ay ginawa na niya.
Hindi daw siya maganda? Pero ito ba maganda ang ugali?
“Miss Diezmo, please sit down.” Bati ng professor nila na si Sir Mark.
Tumango lang siya at sinunod ang utos nito. Tuwing taon ay nagdaraos sila ng stageplay sa LTC University at maging ang mga taga ibang university ay iniimbitahan nila. Hindi naman ang angking husay ng mga gaganap ang inaabangan ng mga tao kundi ang mismong bidang lalaki.
Kilala ang unibersidad nila dahil maliban sa anak mayaman ang karamihan ng mga estudyante doon ay naroon din ang halos karamihan ng mga gwapo at magagandang nilalang.
Ngayon ay wala pa siyang ideya kung anong kwento ang napili para sa stageplay. Ultimo ang mga gaganap ay wala pa rin siyang ideya. Baka ngayon pa lang iyon nakatakdang pag usapan. Kungsabagay, wala naman siyang pakialam dahil ang tanging gawain niya lang doon ay ang maging errand girl. Simpleng tagatimpla ng juice at tagabili ng merienda at taga hanap siya ng custome ng kung sinong artist, ang tanging drama niya sa stageplay.
Ang naririnig niyang ingay ay natigil ng may isang matangkad at mestisong lalaki ang pumasok sa loob ng silid. Limang segundong katahimikan ang namayani sa buong kwarto, matapos niyon ay nagtilian na ang mga babaeng naroroon.
“Eeeeeh! Hunter!” Tili ng mga babaeng nasa likuran niya.
“My love!”
Nakagat niya ang ibabang labi ng makita ang ‘boyfriend’ niya na nakatayo sa mismong pinto na parang may kung anong hinahanap ito. Nang dumako ang mga mata nito sa kaniya ay parang marshmallow na nanlambot ang mga tuhod niya dahil ngumiti ito ng matamis nang makita siya.
“Hay!” Tila nangangarap na duweto ng mga babaeng naroon.
Hindi agad siya nakakilos dahil pakiramdam niya ay naparalisa siya dahil sa matamis na ngiti ni Hunter sa kaniya. Bakit ba naman kasi ito ngumiti ng ganoon katamis?
Hay talaga!
Isang araw pa lang niya itong sinasagot pero ganoon na lang kung matunaw ang puso niya sa simpleng ngiti nito. Kung bakit naman kasi kailangan niyang matuliro ng ganoon ng dahil lang sa pagpapanggap nila, idagdag pa na parang mas naging extra sweet ang mga ngiti nito sa kaniya ngayon.
“Omg! Bakit nandito si Hunter? Gaganap ba siyang actor para sa stageplay?” Tili ng isang nasa likuran niya na naging dahilan ng muling pagkakagulo ng mga tao.
Kamuntik na siyang mahulog sa kinauupuan niya nang mapansin na naglalakad si Hunter patungo sa kinaroroonan niya.
“Excuse me.” Kunot noong sabi ni Hunter sa lalaking katabi niya.
“Bakit?” Maangas na tanong dito ng katabi niya.
Hindi nagpatinag si Hunter.
“Anong bakit? Wala ba akong karapatan na maupo sa tabi ng girlfriend ko?” Asik nito.
Hindi man lang nito pinansin ang professor nila na nakatingin lang sa mga ito. Kung sa ibang pagkakataon ay napailing na siya. Palibhasa ay isa sa mga boardmembers ng school ang Daddy nito kaya kung umasta ito ay daig pa ang isang presidente ng bansa.
Hayun na naman ang pamilyar na pagwawala ng puso niya. Hindi niya pinansin ang reaksiyon ng mga tao sa sinabi ni Hunter dahil nablangko agad ang isip niya. Hindi niya alam kung papaanong nasindak nito ang mayabang na lalaki dahil nakayukong tumayo iyon at lumipat sa ibang bakanteng upuan.
Agad naman na hinila ni Hunter ang silya at itinabi iyon sa mismong silya niya saka ito naupo. Para siyang nakuryente ng ilang daang ulit ng magdikit ang mga braso nilang dalawa, pasimpleng lumayo siya.
Pero bakit nga ba naroon ito ngayon? Alam niya na matagal na itong pinapakiusapan ng isang professor niya sa English para gumanap itong bida pero panay ang tanggi nito.
“Hi, onion.” Nakangiting bati nito sa kaniya. Kiming nginitian niya lang ito at ibinaling ang pansin sa unahan.
Makalipas ang ilang minuto ay nagsimula na ang meeting. Hindi siya masyadong makapagfocus dahil panay ang usod ni Hunter palapit sa kaniya na parang nananadiya itong magdikit silang dalawa. Nang tuluyan na siyang mapikon ay tinapik niya ng mahina ang braso ng lalaki.
“Ouch.” Nanunulis ang ngusong reklamo nito.
“Sobra ka na.” Mahinang angal ni Ami.
Lumabi lang ito at muling ibinaling ang pansin sa professor nila.
Napatango na lang siya ng maintindihan niya kahit papaano ang pinag uusapan ng mga naroroon. Ang napag usapang kwento para sa stage play ngayong taon ay ang Beauty and the Beast. Nakagat niya ang pang ibabang labi. Paborito niya ang nasabing kwento magmula pagkabata kaya ganoon na lang ang tuwa niya.
Noon pa man ay pangarap na niyang gumanap sa isang stageplay. Pero oo nga pala, errand girl lang siya kaya hindi siya pwedeng mangarap na siya ang gaganap na Belle sa kwento.
“So, Hunter.... nakapag isip ka na ba? Ikaw ang napili namin na gumanap na leading man sa kwento. Sana hindi mo naman kami tanggihan this time.” May himig ng pakikiusap ang tinig ng professor nila.
At alam na alam niya kung bakit ganoon na lang kung ligawan ng mga ito ang lalaki para sa play. Dahil anak si Hunter ng isang kilalang Business tycoon at sikat din ito sa bansa ay malaking publicity ang makukuha ng campus nila.
Awtomatikong dumako kay Hunter ang mga mata niya. Nakatingin ito sa professor nila at base sa ekspresyon ng mukha nito ay may sagot na ito. Hindi niya maiwasan ang mapangiti sa kulay violet na poloshirt na suot nito ngayon. Mas lalo itong naging gwapo sa suot nitong damit ngayon. Siguradong bukas lang ay maraming mga lalaki na ang magsusuot ng violet poloshirt dahil dito.
“Sure. Isa lang naman ang kondisyon ko, sir.” Anito.
Habang nagsasalita ito ay nasa armchair na pala niya ang kanang kamay nito. Ganoon na lang ang pagdagundong ng dibdib niya ng hulihin nito ang isang kamay niya at magsimula itong pisil pisilin iyon. Tinangka niya iyong bawiin pero hinawakan nito iyon ng mahigpit para hindi na siya makakilos pa.
Aaaaaah!
Nalaglag na marahil ang puso niya sa mismong talampakan niya dahil sa kakaibang init na nagmumula sa mismong palad nito.
“Sure, what is it?”
Maluwang ang pagkakangising tumingin sa kaniya si Hunter. Nauwi sa pagkunot ng noo ang kanina lang ay pagngiti niya.
Hindi maganda ang naging epekto sa kaniya ng ngiti nito. Maliban sa talagang natutuliro siya ay alam niya na may bahid iyon ng kalokohan.
"Gusto ko na si Ami ang gumanap na Belle. By the way, she’s my girlfriend kaya hindi na rin ako mahihirapan na umarte basta siya ang kasama ko.” Anito na ikinasinghap ng lahat ng naroon.
Muling nagkagulo at kulang na lang ay isumpa at ipabaril siya ng mga fans ng lalaki sa Luneta.
Kamuntik ng malaglag ang panga niya dahil sa sinabi ng lalaki. Umiling siya ng mariin at tiningnan ang professor nila na parang humihingi siya ng saklolo dito.
“I’m sorry, Mr. Majid but-”
“My decision is final.” Giit ni Hunter na ikinatigagal ng kausap nito.
“Miss Diezmo?” Baling ng professor sa kaniya na ikinapitlag na naman niya.
Uh-oh!
![](https://img.wattpad.com/cover/132660465-288-k931961.jpg)
BINABASA MO ANG
HALF A HEART WITHOUT YOU (PUBLISHED UNDER PHR PUBLISHING)
RomanceNaging raket na ni Ami ang gumawa ng projects at thesis ng mga tamad na estudyante sa kanilang university. At isa sa mga suki niya ay ang napakaguwapo at kilalang commercial model na si Hunter Alexzaynder Majid. Isang araw ay nangailangan si Hunter...