3

3.4K 83 4
                                    


“Tulong!” Mangiyak ngiyak si Ami habang paulit ulit na kinakalampag niya ang pinto at sumisigaw siya ng malakas.

“You’re impossible.” Natatawang sabi ni Hunter nang makita ang ginagawa niya.

Gusto niyang mapikon kahit hindi niya nakikita ang reaksiyon nito. Mukha ba siyang clown para kaaliwan ng siraulong ito?

Sa halip na pagmasdan siya nito ay bakit hindi na lang ito tumulong sa kaniya para pareho na silang makalabas doon?

Nakakainis!

Napabuntonghininga siya nang marinig ang muling pagtawa nito. Kunot noong hinarap niya ang lalaki. Oo na napakagwapo nito ngayon at bumagay dito ang black tshirt na suot nito. Pero kahit anong gwapo nito ay hindi maitatangging napakayabang nito. Idagdag na ang tiwala nito sa sarili na kasing taas marahil ng mount Everest.

“Alam mo itigil mo na 'yan, baka mamaya sumakit lang ang kamay mo, eh.” Awat nito sa kaniya.

Natigilan siya nang mapansin niya ang pag aalala sa tinig nito. Totoo ba iyon o dinadaya lang siya ng pandinig niya? Ipinilig niya ang ulo at nagsalita.

“Bakit hindi mo na lang kaya ako tulungan---ay!” Hindi na niya naituloy pa ang sasabihin dahil naramdaman niya na biglang tumama ang matigas na pinto sa likod niya dahilan para mawalan siya ng balanse.

Dahil malapit lang ito sa kaniya ay dito siya bumagsak. Nasalo siya nito bago pa man humalik sa matigas na sahig ang katawan niya. Daig pa tuloy nila ang nagyayakapan habang nakatayo ito at mahigpit na hawak siya sa baywang. Ang mga kamay niya ay parang may mga sariling isip na pumaikot sa leeg nito dahil sa takot niyang matumba ulit.

Napatingin siya sa mga mata Hunter. Makikita ang pagkagulat sa gwapong mukha nito dahil sa nangyari. Habang siya ay hindi niya alam ang sasabihin, hindi niya alam ang iisipin. Bigla ay nagkaroon ng slowmotion sa buong paligid niya. Parang bigla ay tumigil sa pagtakbo ang oras habang naririnig niya ang malakas na pagdagundong ng natutulirong puso niya.

Anong nangyayari sa akin?! Tili ni Ami sa isip.

“Oh my god!” Malakas na sigaw ng taong nasa likuran niya.

Sapat na iyon para magising siya mula sa isang panaginip. Daig pa niya ang binuhusan ng malamig na tubig nang matuklasan na may ibang tao doon maliban sa kanilang dalawa.

Napakislot siya at mabilis na bumitiw sa pagkakayakap ng mayabang na si Hunter. Pasimpleng hinaplos niya ang kaliwang dibdib para pilitin ang sariling kumalma.

“Hunter!” Narinig niyang tili ng isang babae mula sa likuran niya.

Naguguluhan na hinarap niya ito at ganoon na lang ang pagkatigagal niya ng matuklasan na marami pala ang mga ito. Halatang nagulat ang mga ito sa naabutang tagpo at galit na tiningnan siya. Napalunok siya nang makita ang nagliliyab na mga mata ng mga babaeng naroon.

Biglang napuno ng ingay ang buong paligid dahil sa nangyaring komosyon. Daig pa nila ang nasa rally dahil magkakasabay na umangal ang mga babaeng naroroon. Natigagal siya ng mas lalo pang dumami ang mga taong nakikita niya.

“Bakit sila magkayakap!”

“Omg! Bakit magkasama sila sa music room. Don’t tell me—omg talaga!
Yaya!” Tili ng isang magandang babae.

Mabilis na lumapit dito ang yaya nito at pinaypayan ito ng malakas.

“Hunter!” Tilian pa ng iba. 

At marami pa siyang narinig na mga salitang hindi na niya magugustuhan pang pakinggan sa sunod.

Pakiramdam niya ang iba sa mga babaeng naroroon ay malapit nang pumalahaw ng iyak dahil lang nakita na may babaeng kayakap si Hunter.

“Aw! Shut up!” Malakas na sumigaw si Hunter kaya mabilis na napalingon siya dito.

Bahagya siyang natigilan nang mapansin na nawala na ang kapilyuhan sa gwapong mukha nito. Hindi na ito ang pilyong si Hunter na kasama niya kanina.

Parang bigla ay naging ibang tao ito habang matalim ang mga matang nakatingin ito sa mga babaeng nagkakagulo doon.

Natahimik bigla ang buong lugar nang sumigaw ito na parang may dumaan na anghel. Nagulat na lang siya ng bigla ay naglakad si Hunter palabas ng silid. Namutla siya ng mapansin ang pag alis nito.

Huwag mo akong iwanan dito herodes ka!

Tinangka ni Ami na sundan ito pero natigilan siya nang pigilan siya ng isang babae sa kabilang braso. Nanlilisik ang mga matang tiningnan siya nito.

“Bakit nandito ka?” Asik nito sa kaniya.

Hindi pa man niya nagagawang sumagot ay kinuyog na siya ng mga kasama nito at ng iba pang mga babae na naroon. Para na siyang mauubusan ng hininga dahil sa dami ng pumalibot sa kaniya.

Peste ka talaga sa buhay ko Hunter! Hindi ko alam kung bakit parang may taglay na sumpa iyang kagwapihan mo. Makatakas lang ako dito, sisingilin kita talaga!

“Ano ba!” Singhal niya sa isang babaeng bumangga sa kaniya.

Kaunti na lang at malapit na siyang manapak ng babae. Sa kakaatras niya ay natanggal ang suot niyang sapatos hanggang sa tuluyan na iyong masipa at mapalayo sa kaniya. Sa palagay niya ay sinadya ng mga ito na sipain ang sapatos niya para asarin at takutin siya.

“Ang kapal mo! hindi kayo bagay ni Hunter!”

“Kami ang bagay!”

“Kami kaya!”

“Bitch!”

Natakot siya sa kakaibang reaksiyon ng mga ito. Kahit pala anong tapang niya ay mawawala iyon lalo na sa ganoong sitwasyon na mag isa lang siya laban sa mga ito. Kulang na lang ay hablutin ng mga ito ang buhok niya at hilahin siya palayo doon.

“S-sandali-” Hindi pa man siya natatapos sa sasabihin niya ay naramdaman niya ang mainit na palad na pumigil sa isang braso niya. Napasinghap siya dahil sa pagkagulat.

“Hunter!” Malakas na hiyawan ng mga babaeng naroon.

Blangko ang ekpresyon ng lalaki nang yumuko ito at lumuhod sa harapan niya. Narinig niya ang malakas na pagsinghap at pagtili ng mga babae. Pakiramdam niya ay kumislot ang dibdib niya nang isuot nito sa kanang paa niya ang nawawalang sapatos niya.

“Hindi siya bagay maging Cinderella! Ang pangit niya.” Narinig niyang sabi ng isa sa mga ito.

Badtrip. Dapat pa ba naman na idiin?

Pero hindi niya dapat bigyan ng atensiyon ang mga naririnig niya. Mas dapat niyang pansinin ang nagwawalang sistema niya. Sa ginawa ni Hunter, pakiramdam niya ay umabot na sa gate ng campus ang mahabang buhok niya.

Tumayo ito at mabilis na hinawakan ang isang kamay niya. Naramdaman niya ang pagragasa ng malakas na kuryente sa buong sistema niya.

“Hunter! no!” Pigil ng isang magandang babae dito na halos umiyak na habang pinipigilan ang lalaki.

“What?” Malamig na baling ni Hunter dito. “She’s my girlfriend at hindi ko hahayaan na saktan ninyo kahit dulo ng daliri niya.”

Kasabay ng rebelasyon nito ay ang malakas na pagsinghap niya at ang agad na pagwawala ng puso niya.

Daig pa niya ang mauubusan ng hininga sa sinabi nito. Iisa lang ang reaksiyon ng mga babaeng naroon, humagulhol na akala mo ay namatayan.

At siya ano ba ang dapat na maging reaksiyon niya? 

Namatay na rin yata ang puso niya dahil hindi na iyon tuluyang tumibok ng normal matapos siya nitong hawakan sa isang palad at hilahin palabas ng music room

HALF A HEART WITHOUT YOU (PUBLISHED UNDER PHR PUBLISHING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon